Monday, October 5, 2009

Tunay sa damdamin

B-Babae sa barangay bulaklak na mahinhin
A-Ang mga lalaki sa iyo palaging nakatingin
U-Unang tibok ng puso sa damdamin nagbitin
T-Tanging mithiin bituin kang nais sungkitin
I-Isang pangarap paghandaan upang kamtin
S-Sumikap sa buhay nararapat laging gawin
T-Tiyaga at pagimpok ang kailangan kamtin
A-Aayos ang lahat dahil tunay sa damdamin

Sunday, June 14, 2009

Kailangan ko ikaw [ acrostics ]

K-ailangan balikan ang panahon huli tayong magusap

A-no at biglang ikaw sa aking ay naging napakailap

I-yan pagtatampo sa pagsasama ay ulan walang ulap

L-along magkalayo mga pusong maligayang nangangarap

A-ng mga pangarap na umpisa palamang hinahagilap

N-ais mong tapusin ang magandang simula ito’y masaklap

G-uguho ang palasyong kubo ng wala sa aking hinagap

A-ng panghinaan ng sidhi ang mga damdamin yumayakap

N-a ang timbulan sa isa at isa ay hindi matutuklap

K-ausapin ako ng aking malaman gawang kamalian

O-o kamalia’y tanggapin ngunit nais ko tong malaman

I-law kang mawawala at buhay koy masadlak sa karimlan

K-aya aking pagibig aking mahal akoy iyong balikan

A-yaw kong mawala ka sa aking buhay magpakailan man

W-alang katulad ang pagmamahal na sa iyo inilaan

Wednesday, June 3, 2009

investing money

taking lesson 4 invest in….like buying shoes

the action invest as i understand that there will always be a return in the form of profits

the example presented is clearly and is clarified as pure expence. there is no return of profit and in due time every amount will be consumed. the product is consummable items.

buy the cheap shoes and invest the rest ot the money to earn more money to be able to buy a better shoes and still have your money continously growing in your livelihood endeavors.

about money

money is an instrument that you can earn by using your physical bodies inherent capabilities. at times your body is called a money making machine. a reason why you have to pratect your body from viruses and bacterias and others that might inflict harm to your body

having money as an instrument you can use it to buy goods and services that you need and like.

you can earn money by selling your goods and sevices

on how you manage your money will show the difference between a beggar and a vendor.

but always remember that having lots of money or non of it does not make your soul poor or rich. it is on how you use the money that will define the difference.

the economy of the spirit gets the priority

isang katanungan

oh juan kailan ka ba isinilang isang katanungan
ng ang islas filipinas ay natagpuan ni magellan
noon taon 1521 ay hindi ka pa isinisilang juan.
ang iyong mga ninuno ay may sariling katauhan
at angking kultura na lubos iginagalang. ng tanan
mga taong sa mga karatig isla pawang naninirahan

mayroon kang mga ninunong sa dayuhan ay sumalubong
at tinanggap pakipagkaibigan. Dala nilay mga regalong
handog bilang katunayan sa sinabing layon kapayapaan.
subalit ito'y isang panlilinlang na iyong natuklasan.

Ito’y napatunayan tampok ni lapu-lapu sa islang mactan
siya'y tumanggi sa alok ni magellan na pakipagkaibigan.
itoy nagresulta sa digmaan, at napatay nga si magellan
at sa daigdig ng mga mangangamkam sa kanilang mga talaan
si magellan ay naitala napatay sa dalampasigan ng mactan

at dumating naman itong si villalobos at pinangalanan
ang mga isla na “islas filipinas” wala pa rin si juan
ng dumating si miguel lopez de legaspi'y kanyang sinimulan
kamkamin ang buong kapuluan kasama na ang iyong kalayaan
wala pa rin si juan at kung kailan siya isilang hindi alam.

mahigit na 250 taon ang lumipas sa talaan kasaysayan
unti unti ng naramdaman ang pagdating pagsilang ni juan
marami ng nagaaklas sa pangaabuso ng mga prayleng gahaman
unti unti may mga sumisigaw na ang hinihingi ay kalayaan
mga sakop ng islas filipinas ngayo'y filipino ang katawagan
at isinilang si juan na ang hangarin ay kamtin ang kalayaan
ang el filibusterismo at noli me tangere ay kumalat sa lipunan
mga lihim na paggalaw ng maraming damdamin naging api-apihan
si bonifacio’t mga kasamahan sa balintawak sigaw ay kalayaan
si juan ay bagong silang na nasyon wala pang sariling bayan.

june 12 1898 sa kawit cavite iwinagayway ang bandila ng kalayaan
ang bansang pilipinas ay ipinanganak sa gitna ng himagsikan
at ngayon nga juan pangalagaan mo ang iyong bansa at katauhan.

let us start

let us now start uplifting juan. juan whose rule was not fully recognize. lets look back to the history of another juan.

history will show to us that recognition was not bestowed to our muslim brothers the due recognition due to our muslim brothers in mindanao. the different tribes of muslim in mindanao fought the foreign invaders and was never been subdued, and yet was not represented in the flag
as recognition to their heroic resistance to invaders.

here comes an opportunity to give the long delayed appreciation and recognition
for the muslims different tribe resisting foreign invaders.

a ninth ray to the flag of our country, the philippine. this is only one step in making
the culture and character of juan to a new level of dignity that we can be proud of.

there are many steps to be taken and step by step we will succeed.

juan is the issue

the issue is we are looking for juan……….

i’ll follow the change of name as it is being raise agains juan. this will entail so many complications that will result to dismemberment of the republic. so its a very dangerous idea to change juan to rizal. juan is for everybody, for the muslim, the catholics, all christians, for all the tribes, but rizal is not.

why must juan be put down by the very person it symbolizes. all time is given to filipinos to uplift juan to a higher degree
of culture and character. election is fast approaching again. its one of the big oppurtunities for us to uplift juan. let us put juan in malacanan who will guide the country to a new height of respect and not of shame as being experience now.

let us choose juan who can transform juan who are in the mountain with guns
to lay down their firearms and help in the nation building. let us choose juan for malacanan, a president juan who can rally the business communities to forgo momentarilytheir keen desire for profits and focus their effort in creating productive employment for the less fortunate juan. let us choose juan who can’t be blinded by the glittering rewards of corruption and let us make juan responsible and accountable for the misdeeds done. if not then, then another AM SORRY must be expected.

going back to the issue of looking for juan. shall you put down juan or start now uplifting juan towards to our dreams that we ca be proud of

juan==symbol for filipinos

juan will always be the name symbol for filipinos, so what if it is a spanish name

jose rizal will always be a hero to filipinos
it doesn’t matter that he has a spanish name

juan is you, juan is us, we are juan, we are filipinos. we evolve from the begining. read our history and trace back the events,the tortous events that influence the juan we are today. we don’t have to blame the past. we have to learn from the experience and prepare ourselves to transform juan to a character and culture
that we aspire in our dreams.

let us make our dreams a reality. let us start from ourselves. from our own soroundings, our home. next then the composition of the political elected member of the goverment. choose them wisely and if we fail to do it then progress will be delayed again for juan

let us transform juan in the hills with guns
let us make juan in malacanan responsible
let us try to create jobs opportunities for juan. our land is limited but the rich can and has to create profitable jobs for our fellow juans. they must not resist or fail because that is their responsibilities in our society

let us teach our juan…sons and daughter..be responsible and answerable for their mistakes and yet always extending our arms to assist them on their pursuit of success

its not easy to transform juan but it can be done.

looking for juan

you are looking for juan, but juan is everywhere. you can see juan at malacanang. you can see him in the mountains with guns. you can see him on everybarrio, on every streets and yet you can’t see juan because you don’t want to face reality. it is in facing reality that you can see that juan is everywhere.

once we stop putting down juan and accep his predicament, it is only then that we can truly transform the kind of juan we want to be. it is not easy but it can be done. the juan of your dreams that you want to put in a pedestal and say this is juan this is the real pilipino .

but first recognize juan as he is the we can move forward faster

Friday, May 22, 2009

Bakit kailangan [acrostics]

B-uhay maraming katanungan, dapat bigyan ng kasagutan

A-alamin hanggang kanya ngang maunawaan ng lubusan

K-ailangan sa paglakbay at landasin mga sangang daan

I-tong iyong natutuhan ay hindi dapat kakalimutan

T-alos na ang mga kaalaman ay ilaw na makapitan




K-aya huwag aksayahin bigay na mga pagkakataon

A-laga ang pakikinig sa mga abot payong pabaon

I-lagay sa yong isipan kung nais sa hirap makaahon

L-ayuan ang barkadang mga sandali’y laging tinatapon

A-yusin ang buhay upang ang anak ay hindi maging ampon

N-ais magandang bukas kaya paglaanan mo ng panahon

G-abi gabi’y magmuni’t mangarap at huwag basta tatalon

A-ng mga tungkulin mo’y iyong gampanan ng hindi mabunton

N-a dapat gawin mahusay upang pagunlad ng sarili’y ayon

Monday, May 18, 2009

May bukas ang pulubi

Kanyang gulanit na saplot
Sa katawan isinuot
Tagpi’y tadtad abot abot
Ang manggas kulang talulot
May bulsa nga pero buslot

Ang pantalon, kulay pula
Nawalang damit ni santa
Baywang may taling kadena
Maigsi kabilang paa
May punit tuhod pababa

Mata’y malungkot malamlam
Ngiwing baba parang nakulam
Ang titig nang pamaalam
Bukal nang awa nakamtan
Lapad na bakal inabutan

Sa bangketa sumalampak
Bigla bunghalit nang iyak
Sa tindi nang lakas nagulat
mga naglalakad tingin lahat
kalansing nang bakal mabigat

sumasayaw
umiindak
kanyang pinulot
iipunin kalansing

Sunday, May 17, 2009

I love you [acrostics]

I-nstantly when I saw you my blood pressure rises


L-ingering pictures of your face occupies my mind

O-ver the counter I always wacth you walking by

V-iewing you makes makes my heart beat faster

E-nticed by your charm yet I will try to forget you



Y-ou are the love I must set aside and forever forget

O-nly you had made me feel like this for the second time

U-nless I become free then I will search for you my love

Saturday, May 16, 2009

Ako na isang halaman [acrostic]

A-ng sinag ng araw na ang kabuoan ko’y walang sawang binibilaran

K-ailangan ko sa aking buhay bigay niyang kasiglahan kalakasan

O-ras ay bakit kay higsi hindi matugunan ng sapat na kailangan



N-ais ko man laging magtampisaw sa mga silahis niyang binibigay

A-y hindi ko nagagawa sa dahilang ang ulap na itim ay nagbantay



I-yang ulap naman ang siyang nagsasabing magpalamig paminsan minsan

S-iguradong papatak ang ulan na sa buhay koy kailangan din naman

A-raw ang nagbibigay ng init sa katawan kong giniginaw minsanan

N-agpasalamat sa sikat ng araw dahil makatrabaho ako maghapunan

G-ayun din sa ulan na pumawi sa uhaw lalo na kung maalinsangan



H-alik ng ulan at samyo ng araw buhay ko’y puno sa kaligayahan

A-yaw ng aking ugat ang panay ulan alipunga akoy tutubuan

L-along ayaw ko sa gabi’y umaaraw dahil maluto aking katawan

A-nhin ang labis at anhin ang kulang kung makasama sa kinabukasan

M-aganda iyong tamang tama lang sa araw araw na pangangailangan

A-ng tao’y matutuwa sa gandang taglay nakamit totoong kalusugan

N-akita sa katawan ang dami ng aanihin pagdating ng gapasan

Friday, May 15, 2009

Araw ng mga ina [acrostic]

A-ng buhay ng isang ina ay laging walang katulad

R-adar ang damdamin palaging nakahanda ang palad

A-nak at asawa siya ang tanglaw saan man padpad

W-agas na pagmamahal bukal sa puso lumiliyad



N-ilaan ang buhay sa mga tungkulin gagampanan

G-amit ay pagibig hindi kukupas kailanpaman


M-agmahal laging turo sa anak na pinagaaral

G-abi’y madalas minsan ginagawan araw sa mahal

A-ng lahat gagawin lalaban para kang isang kawal



I-law kang tanglaw para sa kinabukasan kong banal

N-anay ikaw’y nagsikap pagibig gamit na balabal

A-nak akong di makalimot sa bigay nyong pagmahal

Wednesday, May 13, 2009

Sino?

hanggang kailan ka magbantulot makatang may takot
na ipahayag ang damdamin sadyang masalimuot
sa mga nangyayari sa iyong bayan di malimot

gawa ng politikong tumulong ang balak manukot
personal na gawain sa kapwa gusto'y watawat
siyang magbayad sa kanyang ginawang bantayog

padyak ng mga paa sa tricycle umarangkada
anak hindi kita pababayaan lalaban kata
kaygandang panoorin sa teevee at sa pelikula

aking nalaman makati pala'y ubod palang yaman
sa pamumuno ay may secreto na dapat malaman
upang itong ating baya'y mahango sa kahirapan

hanggang kailan maging alipin duling na lipunan
katanungan na ayaw kong dito bilangong manahan
kailangan pagkilos ng makamit ang kalayaan

ang kalayaan mithi ay hindi madaling makamtan
dahil ikaw ay madaling makalimot sa nakaraan
magkati man iyong ulo kapag di pinagaralan
hindi malaman kung sino dapat mamuno sa bayan

Monday, May 11, 2009

Sampal Ok [acrostics]

S-arap ng pagkaing pagkaluto'y tunay na sinigang
A-sim ay tama sa isdang ayukin sinampalukan
M-araming sabaw na hihigupin aking kakantahan
P-aboritong ulam sa tanghalian o sa hapunan
A-king pagdalaw ay sadyang hindi makakalimitan
L-agay na luya ay sapat, kaya ako pinagpawisan

O-ps hinay lang paghigop ng sabaw kahit nasarapan
K-umain tayong puno ng kasiyahan ating tiyan

=======================================
sir ezzard....tata raul sa sunod na pagdalaw
sana ibang putaye naman........salamat

Sunday, May 10, 2009

Alaala ng fiesta-isang sampal

Biglaan namilaylay sa aking labi ang isang ngiti ng kaligayahan sa kadahilanan kidlat na nagbalik sa gunita ang isang malakas na sampal na dumapo sa aking mukha, isang lumipas na pangyayari noong ako’y bata pa sa bayan kong pinanggalingan. Katulad ng ibang bayan sa nueva ecija ang bayan ng bongabon ay hindi naiiba. Taon taon na ipinagdiriwang ang pistang bayan.Sa araw ng kapistahan maraming tahanan ang mayhanda para sa mga panauhin darating at mga kamaganak sa ibang bayan na tinataon ang kapiestahan sa pagdalaw sa mga kamaganak dito sa Bongabon.

Matagal pa bago dumating ang pista ng bayan ay unti unti makikita sa plasa Ang mga iba ibang palarong mapaglilibangan. Mayroon circus at zarzuela. May tsubibo na hindi ako nakasakay magpahanga sa ngayon at ang ferries wheel na kay raming sumasakay ay hindi rin ako nagkalakas ng loob na sumakay samantalang ang aking mga kababata ay nagkakatuwaan sa pagsakay. Ako naman ay patingin tingin lang naman. Okey lang. Maglilibot ako sa peryahan at dito ako’y nalilibang ng husto kahit wala akong pera , busog naman ang aking damdamin sa dami ng aking mga nakita. Uwi ako ng bahay at bukas naman uli ako mamasyal.

Gustong gusto kong manood ng sarzuela. Maaga akong dumating upang sa unahan ako makaupo. Sabik ako sa paghihintay sa pagsimula ng palabas. Kapag tumugtog na ang trumpeta kasabay ng drum at iba pang instrumente bilang hudyat na magsisimula na ang palabas na drama. Mayroon silang pambungad na palabas na punong puno ng mga katatawanan. Sumasabay ako sa lakas ng tawanan ha ha ha ha ha. Hindi magtagal ay susunod na ang dramang palabas. Muli ito ay sasabayan ng tugtog, tutog na siyang lalong nagpaigting sa damdamin ng mga manonood hanggang ang luha na pinipigilan ay tuluyan makawala sa luklukan gilid ng mata na tinakpan ng palad at palihim na pinupunasan ang luha ng paunti unting dumadaloy na sana ay walang makakita.

Mayroon banda, na galing sa Gapan, sa Peniaranda o kayay sa General Tinio na lahat ay mga bayan ng Nueve E cija. Ang mga bandang ito ay tumutugtog habang nagmamartsa palibot sa sentro ng poblacion. Ako’y tuwang tuwa sumusunod kasama ang maraming batang nagkakatuwaan/ naakit ako ng magagangdang kulay na uniporme ng mga tumutugtog. Napakaganda sa aking paningin ang sabay sabay na ginagawa sa pagmartsa habang tumutugtog palibot sa bayan. Dala ng kabataan ay naroon ang pagnanais ko na magkasalubong ang dalawang banda. A ko naman ay nagtataka na sa dalas ng kanilang pag-ikot ay bakit hindi sila magkasalubong.

Ang hindi ko makalimutan sa lahat ay ang lyong oryam-oryam o kayay itong bito-bito na ang ginagamit ay tatlong dice na inaalog-alog sa isang sisidlan. Kung ikaw ang naglalaro ay pipili ka ng iyong tatayaan mula uno hanggang sais. Paborito kong panoorin ang larong ito tuwing pista sa aming bayan. Ingit na ingit ako sa mga nanalo, kita ko ang katuwaan sa kanilang mukha. Ang aking ama ay kararating lamang mula sa Mindanao. Umuwi ako ng bahay at humingi ako ng pera. Madali siyang hingan dahil bagong dating, binigyan niya ako ng beinte sentimos na tuwang tuwa kong tinangap. Nilaro laro ko ang beinte sentimos sa aking mga palad at ng dumating ang gabi ay nagpunta ako sa laruan ng bito-bito na malapit lang sa aming bahay. Ha ha ha ha, nananalo ako at patuloy ang paglalaro ko hanggang sa bandang huli ay naubos ang aking pera. Hindi maitago sa aking mukha ang kalungkutan. Wala na ang pera ko, ang aking beinte sentimos ay natalo sa larong bito-bito. Umalis ako na malungkot at walang kibo. Umistambay muna ako sa aming kapitbahay upang magrelax muna. Hindi ko nakitang dumating ang aking ama at ako ay nilapitan sabay tanong, nasaan ang pera mo, natalo sa bito-bito? Hindi ako nakapagsinungaling at nakasagot ako ng opo. Kasabay sa pagtatapos ng sagot kong opo ang isang sampal at hindi lang basta sampal, isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahiha ako sa aming kapit bahay at umuwi ako ng tahimik at walang kibo. Napapangiti ako sa tuwing ito’y aking naaalaala he he he he he he……..Kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari ay

Matagal ng hindi ako nakakapasyal sa Bongabon. Kumusta na kaya ang batang babae na hindi ko makalimutan. Balita ko ay isa siyang principal sa Bongabon elementary school. Ang pista ng bayan sa Bongabon ay hindi ko makakalimutan. Sa 2010 ay posibling magbakasyon ako sa bongabon para makapamiyesta.

Friday, May 8, 2009

Ulan

ulan malakas

ang bagyo'y walang puknat

baha sa daan

Thursday, May 7, 2009

Bulaklak ng mayo [acrostics]

B-uwan ng mga bulaklak ng ako’y isilang

U-bod sa hirap ang buhay ng aking mga magulang

L-aging sa araw araw mga pagkain ay bulanglang

A-nong gagawin upang pangarap ay pumailanglang

K-arpentero si ama na ang natapos ay grade tour lang

L-aging nagiisip kung ano’ng marapat gawin upang

A-ng buhay ay umunlad makaahon sa kahirapang

K-amay talino ang sagwan tungo sa mayamang pangpang



N-anay ko’ng kabalikat sa lahat ng pinagsikapan

G-ano mang kabigat ang pasanin ikaw ay nandiyan



M-abait kang asawa sa iyong bana ay tumutulong ka

A-ng lahat sa pamilya ang laging bigay mo’y ginhawa

Y-aong mga pagsisikap ginabayan mo si ama

O-h aking ina dal’wa tayong bulaklak sa pamilya

Wednesday, May 6, 2009

Pagyamanin ang ilaw [acrostic]

P-agyamanin ang pagmamahalan lipos ng mga suyuan

A-t aalamin ang kailangan upang mapagtagumpayan

G-ulong ng pangarap sa buhay maging isa ng kaganapan

Y-ang pagsisikap ay magbunga ng lubos na kaligayahan

A-minin mga pagkakamaling nagawa sa sangan daan

M-atuto sa mga karanasan may tuwa’t kapighatian

N-a siyang maging bigkis sa ating ngayon at kinabukasan

I-kaw ang kailangan liwanag sa malabong kaisipan

N-g sa gayon ang suyuan ay malayo sa kapahamakan


A-ng tukso sa buhay ko naglipana at laging isang hamon

N-a aking kabakahin sa araw araw sa buong panahon

G-agamitin ko sa buhay ay karanasan ating naipon


I-kaw ang lahat sa akin ikaw lang ang aking inspirasyon

L-agi mong tandaan tayong dalawa sa pagdating ng hapon

A-ng siya parin magkasama abutin man ang huling taon

W-ow tunay na pagibig ang gintong sagwan gamit sa balon

Sunday, May 3, 2009

Lambingan [acrostics]

L-alagi ka sa aking pusong patuloy sa kaylanman

A-aminin kong ilang beses tinangkang kalimutan

M-aamo mong mukha matang nanghalina ay na saan

B-akit laging nasa gunita gayon iyong iniwan

I-lang beses puso inutusan sa hardin puntahan

N-a ang bagong pagibig dito ligayang matagpuan

G-abi at araw ikaw parin laman nitong isipan

A-ko'y pagod na. dahil nagawa mo akong talikdan

N-arapat ilibing na ang inasam muling LAMBINGAN.

Sunday, April 26, 2009

Sa sulok tumahan

sa nakita kong inyong lambingan
makakabuting sa sulok na tumahan.
hanggang sa lubos aking maunawaan
tinatakbo inyong mga palatuntunan.

sa mga tula muna ni barok manahan.
may kataga kayong gamit, kahulugan
hindi alam. tinalak na kasabikan
sa dibdib tuluyan narapat pipilan

mas higit marapat, laging pagtuunan
mga gawain tula, sa pagpanaw iiwanan
sa minahal sa buhay, at mga kaibigan.
magpapatuloy mga kaligayahan katuwaan.

sa nakitang bagong hamon, pagkaabalahan
may bubuksan na hardin, mayroon kainan
malapit sa bahay kubo, na maging tirahan
kaya sa inyong rengahan, wala ako dyan.

mga tula ni barok, salapi ang kailangam.
bago matapos 2009, ipadala sa imprentahan.
2010 election naman, pangsyudad sanggunian
sasalihan, kaya mga gawain hindi maubusan.

============================================
sa harap ng computer april 26 2009 9:03 PM

Thursday, April 23, 2009

katagang mahapdi

KATAGANG MAHAPDI

Isang gabing ako'y umuwi
isinalubong mong pagbati
Ay mga katagang mahahapdi
taynga isipan hindi mawari

Tulirong tuliro aking isipan
Hindi malaman bakit nagkaganyan
Akoy bigla nalang kinasuklaman
Wala naman nagagawang kamalian

Nagdaan gabi puno ng antok
Hindi naman dalawin ng tulog
Damdamin magulo baka pumutok
kumukulo dibdib bulkan sasabog

sinag ng araw sa umaga lumisan
Kinuhang tricycle aking sinakyan
kidlat sa bilis Pinatakbo sa daan
Damay ang kasalubong sa kamatayan

Tuesday, April 21, 2009

Pangako

hindi iiwan

pangarap mo sa buhay

pangakong bula

Ang presidente

ako na anak

sama sama na tayo

ang presidente

Monday, April 20, 2009

Mixing colors turning point

in my hand the brush will be dancing
colors intermingling, caressing the
empty white canvas. life will bloom
beaming with the radiance of nature.

mixing yellow and red, colors of dawn
mix water sugar orange, thirst in glass
combine red and blue, violets on lawn
yellow blue playing, dancing on grass

green grass of summer, tree leaves green
blue sky, yet dear i will always love you
white canvas waiting, daunting never seen
the brush full colors, with different hue

am already fifty five when i learn to paint
colors always facinate the eyes, so on lips
bright eyes no more, in poem i found a saint
now writing, turning the brush to pencil tips.

The brush is dancing

this is my [TANKA]


devoid of colors
my canvas is all in white
yellow blue and red
the brush is swirling dancing
my world emptiness is gone

Sunday, April 19, 2009

Susan boyle on you tube

on Britain Got Talent


seeing you really amazed me
opening a new level of hope
for dreamers to overcome
the world that's always cynical
the world that wait's to laugh at you.

but now the world looks with awe
you release a new spectrum of hope
giving courage to dreamers to pursue
the dream, a dream that may not come
yet hoping to succeed and not be ashame

age is a hindrance no more to me
dreams gain new hope immediately
a gift i receive without you giving
the confidence you show inspire
not only me but all dreamers to be

am already sixty five yet longing
that i can left behind poems of life
of nature of love and also adventure
worthy of reading to those left behind
susan boyle tears and smiles engulf me.

susan boyle susan boyle your an inspiration.

Friday, April 17, 2009

A sonnet for poem writers

hindi kayang kitlin, buhay ng makata
babangon at babangon, sa pagkalugmok
pluma muling iguguhit, mga kataga
tinta ng buhay, sa papel itututok

sakali man natulog, sa isang sulok
tindi ng pagod, sa tinamong pagsubok
darating umaga, wala na ang antok
bubuksan aamoy, naglipanan bulok

makata'y may tungkulin, sa kanyang bayan
subaybayan daan, sa bayan ni juan
salitang pamukaw, gamitin itala
gisingin damdamin,matang tigmak luha

dilim maglaho, sa umagang darating
bayan natin, muling makamit taginting


========================================
reybautistareyessubdivisionkoronadalcity
southcotabatophillipines

Wednesday, April 15, 2009

Ganap

lagaslas ng mga patak, ng luhang dumadaloy
sa humpak na pisngi, dito laging tumutuloy
karagatan pighati, walang humpay isinaboy
pagasa,palaging buhay, hindi kayang itaboy.

bawat pagkabigo, hinahamon lagi, tagumpay
hindi panghinaan nang loob, hindi manglupaypay
saan man makarating, pakpak laging ikakampay
lakad patuloy, tatawirin walang hangang tulay

ang init at ulan, pinapalo katawan pagal
hindi titigil, harangan man ng rehas na bakal
at kahit maubos ang sapatos, paa'y kumapal
ang masusunod, puso at damdamin nagmamahal

sa paglubog ng araw, sa pagsikat ng umaga
katawan, muli't muling babangon hahanapin ka
ang tanging baon, puso, pusong puno ng pagasa
hindi maglalaon, damdam ko matagpuan kana

tamis ng tagumpay, akin nang malalasap
walang sama ng loob, sa dinanas na pahirap
ikaw nakitang nakangiti, sa tagal ng hanap
sa langit lang pala kita, matatagpuan ganap.

Monday, April 13, 2009

Pen Name

Am a person and am a writer
Willing to learn as I go on
Writing poems and articles
Maybe some prose later on

Using pen-name I will not
Having no intention hurting
Politician government or what
Thou maybe some line do sting

Am not ashame or in time afraid
On the contents of my writing
My emotions fantasies will tread
Words will just continue flowing

Am a rebel on the open space for change
that maybe my writings may awaken
new line of thinking on interchange
will not hide even at times heart is broken

Pen-name is the camouflage use to hide
Taking no response, openly finger pointing
Devoid of full joy for the success he made
Pen-name is not a language for my writings

Sapat na iyong dibdib

mata ko’y naging malikot, ng dumating ka.
kambal na bundok mayon, ang humalina.
binalutan ng damit, bagay sa isang reyna.
daan sa kaharian, makikita sa bukana.

sa paglakad, para itong umiindayog.
alon sa dagat, sa balsa’y yumugyog.
nais abutin, haplusin papayang hinog.
himlayan ng sangol, kanyang pagtulog.

iyan iyong dibdib, ang nagbigay buhay.
sa naghingalong pagasa, puno ng lumbay.
iyong puso mapili, nais abutin ng kamay.
mga ngiti kahali-halina, tayo’y umimbay.

ngayon gabi, sa bundok ako manahan.
ang tanglaw, bituin at liwanag ng buwan.
sa awit at kasiyahan, kiliti naramdaman.
sa malusog mong dibdib, tungo sa batisan.

sa batis ikaw magingat, dahil ito’y madulas.
ingatan mahulog, sa pampang na tumutulas.
mga damo sa paligid, hawiin walang kupas.
umaalon ang dibdib, sa lindol kumukumpas.

Anong dapat gawin

saan nangagkulang magsasaka nitong inang bayan?

hindi pa ako isinisilang iyan na ang madalas na katanungan
na magpahangga ngayon ay wala pang tamang kasagutan.

lupain ay hindi lumalaki papulasyon ay dumarami kaya kinukulang
gintong butil na ani.

gobyerno'y huwag sisihin dahil ikaw ang pumili nito. kapwa mo ay ikaw rin kaya hindi dapat pagawayan sa kung sino maysala.

hanggang ang kadena sa pagkakaisa ay putol-putol at ang mga punto laman mensahe sa mga tula ay nilumot na, hindi tayo makakaahon.

ang kailangan ngayon ay hindi lupang mabubungkal o dagdag na ektaryang aararuhin ng matanda ng kalabaw at hikain.

ang kailangan natin ay hindi bala o bomba. at hindi rin lupa.
pinagsumikapan mapagtapos mga anak hindi para bumalik sa lupa. Ang kailangan ay trabaho…trabaho at trabaho na may desenteng suweldo.

the farmers was freed from the bondage of tenancy but never from the bondage of the soil he tills. it makes my heart cries, tears flowing from my eyes. what can i do, what can you do to escape from this prison.

no, i will not escape from this prison for it will make me only hide from my sorrows and failures. i will try to earn the gate of freedom by satisfying my needs and setting away my wants.

i will not buy pepsi or coke or whatever drinks. Multi-global companies does not reinvest back enough profits to accelerate the progress of our country. i will drink water to quinch my thirst. Water is better for our health to avoid kidney ailments or urinary tract infection. will not visit jollibee or mcdonald to eat fried chicken or french fries. i will raised my on fried chicken and camote fries. lots of things to be done to earn my freedom. I am a farmer, I will raise my foods for my family.

to earn our freedom from the bondage of the soil, we don't need bullets explosives or another piece of land to till. what we need and what we want is decent job that gives decent salaries.

So then, my beloved son and daughter will not go back to till the land. Let me till the land. I am a farmer
and is always happy to raise the golden grain, but no longer with the carabao.

Saturday, April 11, 2009

Ako'y malungkot

ako'y malungkot, tulad sa isang rosas.
walang bubuyog o paroparong humahaplos

tulad sa isang manyika sa sulok
walang nagalaga,gusot damit at buhok

tulad ng bola, sa basketball court
walang dumampot, para ma-export.

tulad sa dungisan tutang gumagala
walang sa kanyay pumulot magalaga.
.
tulad sa paghintay, sa isang pangako
katuparan ay wala, dahil itoy napako

tulad sa halaman naghintay sa ulan
lupaypay ang mga dahon, sa matinding uhaw

tulad sa isang bata, gustong tumakbo maglaro.
hindi magawa, dahil walang mga kalaro.

ako'y maaa..luuung..koooot.....
ngunit pagdumating na programang WOWOWEE.......
HA HA HA HA ...WOWOWEE NA, sabay indak ang mga paa.

Friday, April 10, 2009

ACROSTIC:: Pagibig bakit sa langit

P-agmamahal, sa pusong uhaw ang kailangan.
A-ng hanap ay ikaw, saan ka puntahan.
G-abi at araw, hindi ko alam ikaw nasaan.
I-kaw ang tinatawag, diwa at isipan.
B-akit kaya, hindi ka matagpuan.
I-lan panahon, ang matulin lumipas.
G-apok ang katawan, ikaw ay lumampas.

B-inayaan mo ako, sa kalungkutan.
A-ko na matagal, sa iyo'y naghintay.
K-ahit minsan, hindi ka dumalaw.
I-law kang sa akin, hindi tumanglaw.
T-apos na ang lahat, sa aking balintataw.

S-a langit, doon ikaw matatagpuan.
A-king puso, sa lupa iyong pinagkaitan.

L-alagi na, tayong magkaulayaw.
A-aminin ko, puso ngayon ikaw tanaw.
N-anabik sa liwanag, sikat ng araw.
G-abi'y lumipas na, ikaw ang tanglaw.
I-law ikaw, sa pusong hindi mapaparam.
T-ayong dalawa pala, ngayon aking alam.

=======================================
habang ako'y nakaupo pikit ang mata, hawak
ang lapis at papel, nagiisip biglang pasok
sa isipan katagang ACROSTIC na natunghayan
ko sa emanilapoetry. saan kaya ako makarating
kung aking subukan. bakit.........nakarating
sa langit?

Thursday, April 9, 2009

nagpayo: isang yumaong ina

bilang isang ina ako'y natutuwa
nakamit diploma kahit ako'y wala
anak, diploma'y isabit sa tahanan
ilagay mo sa tabi, aking larawan.

ngayon aking anak, pawiin ang lungkot
punasan iyang luha, sa pisngi'y agos
gusto ko ikaw masayang nakatapos
gamitin upang hindi ka maging kapos.

maging masipag at laging nagiimpok
ilagay iyang barkada, isang sulok
huwag magasawa hanggang hindi tarok
pagaasawa tungkulin isang hamok

ang kiliti sa kamay at ugat huwag iyapos
kapagdaka sa babaing mga titig malamyos
iyan pagibig mo dapat ilagayng maayos
ito ay pundasyon para sa mga apong lubos

humayo ka anak at harapin iyong mundo
pagandahin pagyamanin higit sa ngayon mo
huwag kalimutan tumawag sa diyos na totoo
sige
na
anak
maligaya
ako
sa
kinalagyan
ko.

Sunday, April 5, 2009

bayani sa tahanan

maghapon sa putikan mga paa at kamay

masakit balakang gawa walang humpay

kailangan maitanim mga punlang palay

aalagaan hanggang maging gintong uhay

balik-balik ang takbo highway tinutugaygay

padyak kaybilis nilapitan ang nakitang kaway

sa dalan marami ang sa kanya’y naghihintay

maghapon kaway hatid pamatid ng lumbay

masipag na kargador sa palengke si mang ador

walang pinipiling buhatin maging aparador

inaabot ang dilim sa gawain sa north harbor

kayraming pasaherong naghintay sa sakyan bapor

si annabelle nagtitinda ng isda sa palengke

malakas ang kanyang benta kay may diskarte

maligaya ang bumibili sa kanya mga ale

may nagregalo sa kanya nang pagkain alupe

sa maghapon paglalakad iyong makikita basura

sa dalan nagkalat mga naglalakad ang may gawa

mga metro aid ang nagwawalis sila ay basurera

pinatili nila mga daan maging malinis maganda

patuloy ang padyak sa makina nang damit

tinatahi kappa at toga sa graduation gamit

diploma mahabang panahon pagsikap nakamit

handog sa ama at ina nagmahal nagpakasakit


siya’y magsasaka, drayber sa maghapon, kargador

tindera nang isda, metro aid basurera, isang mananahi

nagsikap nagtiis nagmahal sa mga supling nang pagibig

sa mga nagmahal na anak, sila’y bayani sa kanilang tahanan.

Tuesday, March 31, 2009

Ako'y nabwisit

Ako’y nabwisit
kusinerong makulit
mayron kapalit

mayron kapalit
bakit parang nagalit
sa huling bubwit

sa huling bubwit
ginawa itong binwit
pusa nanungkit

pusa nanungkit
dali ulam na pancit
plato lang takip

plato lang takip
ano iyong inisip
magluto ulit

magluto ulit
sa apoy na marikit
kawali ang gamit

kawali ang gamit
ako'y gutom na bakit
ako'y nabwisit


Friday, March 27, 2009

1957

1957 ako ay nagtapos sa elementarya
sa bayan nang bongabon nueva ecija
nagbalik sa aking magandang alaala
mga pinagdaanan panahon sa eskwela

isang batang babae kimpal sa isipan
matalino siya napiling valedictorian
mula grade one kasama sa eskwelahan
ngunit hindi nakausap kahit minsan

isang bagay lamang, aking natandaan
aking napansin, kaya aking iniwasan
kilos panalita ay may kasupladahan
panahon lumipas nadikit parin isipan

1957 ako'y nagtapos sa elementarya
mga kasuutan damit wala kahit isa
masabing akin talaga, lahat ito luma
sapatos, pantalon at polo panloob wala

dahop sa kasuotan, kaalaman nadagdagan
ako'y masayang umuwi agad nang tahanan
may arroz-caldong naghintay sa tahanan
sa pasukan doon ako mataas na paaralan

ang tungkol sa batang valedictorian
ano nangyari, sa sunod na lang tulaan

Tuesday, March 24, 2009

Tawag pansin

seksing babae natitigan
wow wow hubog ng katawan
dibdib sarap na banlawan
aking sasabunin sa liguan

napansin mo rin ang hinangaan
mata mo siya ay sinusundan
hanggang lumiko kantong daan
tayo sa bahay akoy handaan

ikaw mismo iyong napansin
seksing dilag iyong tingin
ako pa na isang palahangain
nakita'y nakatawag ng pansin

ang humanga ay hindi masama
sa katulad mong angkin ganda
sa paningin koy nakahahalina
sampal huwag ilapat sa mukha

Monday, March 23, 2009

Kaluluwa ng lipunan

Kaluluwa ng lipunan

may 13 pantig

tunay kaysarap mabuhay sa saring bayan,
kahit na may busabos at api-apihan.
mga puso at damdamin na pinaglaruan
kaming mga biktima ng kapalaluan

hindi nawala pagasa pagsumikapan
makaahon sa hirap na kinasadlakan
mga nakaunawa kami'y tutulungan
makaakyat sa hagdan-hagdan ng lipunan

saan bansa busabos at api ay wala.
maging sa sementeryo, ang matang may luha
busabos at api di kayang maitatwa
lipunan bahagi, siya ang kaluluwa

darating ang pagpanaw nating sa mundo
hindi mapigilan sa ayaw mo at gusto
sa langit sigurado kita-kita tayo
doon ay masayang makinig sa tula mo



Pagmamahal sa bayan

ang pagmamahal sa bayan, may kanya kanyang antas
may kanya kanyang pamaraan kung paano maihahayag.
wala itong sukatan ng katayuan sa buhay. maging
siya’y mayaman o pulubi sa lansangan. ang pagma-
mahal sa bayan ay nadudungisan lamang nang labis
na pag-iimbot sa salapi at kayamanan na siyang
tuluyan sumisira sa damdamin nagmamahal sa bayan.

niyuyurakan ang karapatan at pagkakataon nang kapwa
na makaangat sa kinatatayuan antas sa lipunan. ang
mga magnanakaw ay nagmamahal din sa bayan, katulad
nang mga sinungaling na pilit tinatakpan ang mga
katotohanan huwag lamang mabunyag pagiging gahaman
sa salapi at kayamanan, lalo na at ito ay galing sa
kabanbayan.

lahat ng pilipino ay nagmamahal sa kangyang bayan
pinagmulan. ito ay damdamin hindi dapat pasubalian,
kahit na gaano kataas antas ng pinag-aralan.

Friday, March 20, 2009

balatkayo-sinungaling

huwag ng ipagtangol yang kamalian
puso't isip puno kasinungalingan
titig nangangalit nagaapoy naman
dilang talim ulila katotohanan

naging alipin, sa iyo'y nagmamahal
umaga'y abutin, maghintay matagal
orasan mahinay, pagdating mabagal
kailangan pa bang, hintayin pagdatal

akong babaing iyong pinakasalan
sumpang mamahalin walang katapusan
ngayo'y aminin may ibang kasintahan
hawak ko ang kailangan katibayan

balatkayo mong galit iyong tigilan
sa husgado nalang don maintindihan

Salot sa bahay

maingat lumakad, ng ikaw lumisan
natutulog tahimik sa sambahayan
walang karapatan sa bahay magtagal
lahat ng gusto kailangan tinangal

kabahayan sa pangyayari narindi
bakas mga anino, nagdaan gabi
tanon, saan ikaw ngayon hahanapin?
sa makakita, binigyan tagubilin

isip, damdaming dapat lagi may sukat
maling tiwala, darating ang katapat
patuloy kayod, palitan ang tinangay
salamat, walang nasaktan kasambahay

palagi, bintana pintuan sarahan
iyan magnanakaw, salot kabuhayan.

Ano ang kasalanan

hubog ng labi kay tamis kung halikan
nulas, katagang ako'y kinamuhian
tanging ikaw lamang sa puso, nanahan
ngayon, puso nasa abang kalagayan

sa iyong damdamin, awa naramdaman
wika'y lumambot, ng di ako masaktan
ang isipan ko ngayon, naguguluhan
unawa humingi ka, pagpasensyahan

wikang banayad ay naging kagamutan
inalis ang sakit, parang nagdahilan
ano ang dahilan, biglang nagkaganyan
walang nalaman nagawang kasalanan

hindi ba iyan condom, ikaw nagalis
bigay sarap, resulta, ikaw nabuntis

Tapat na lukaret

ako'y alipin ng iyong pagmamahal
hintay orasan, sa dating na matagal
buong maghapon, wala naman gagawin
maliban kung mayroon kang tagubilin

hindi magalit sa mabagal na oras
maghintay araw gabi, bintanang kupas
puso walang pait, ikaw nagpaalam
isip kong bagabag, nagtanong nasaan

nasaan ka, anong iyong ginagawa
alipin ng pagibig di manghinawa
pagdudahan walang puwang sa isipan
iyong ligid tuwa, lahat kaibigan

akong tapat na lukaret naghihintay
tuwina, sa dakong pintuan, nagbantay

Wednesday, March 18, 2009

Kawayan mabilis

Lahat nais magandang likha patuloy manatili
Rosas punong kahoy manok ibon isda gulay sili
Kapaligiran laging maganda huwag atubili
Pagyao nang matanda mga iniwan may silbi

Pursigido lalong dapat kapaligiran pagandahin
Bagong pananaw sa araw buwan lupa ay gamitin
Pag-aralan maigi mga hakbang pamaraan gagawin
Teknolohiya ngayon panahon malaking tulong sa atin

krisis pangkabuhayan narito, bayan may hikahos
ayuda galing palasyo, gamitin tumpak maayos
kasakiman sa salapi, kinabukasan mawala sa agos
pamana alagaan ipagsangalang sa mga daraan unos

sa kabataan iniwan pamana, paligid na malusog
pagyamanin, huwag makasarili bayan gawin busog
mga turista sa bayan ni juan dadalaw may lugod
tanawin makita bigay kasiyahan inalis ang pagod

kapaligiran malinis puso isipan ngiting matamis
namayapa man si impo at ingkong walang tangis
kanilang napasimulan ituloy musika lawiswis
turistang paa may lukso sayaw kawayan mabilis.





Monday, March 16, 2009

Init nang kape

pagkasala naganap sa pusong naghanap
sa mahabang panahon pinagsamang ganap
ang pagmamahalan puno ng paglingap
love birds sa umaga at buong magdamag

at naging pabaya sa bulaklak na pinutos
una'y laging bango sinasamyong may haplos
sa aking paningi'y parang sayaw ang pagkilos
sa hakbang ng paa at indak na malamyos

ang tinimplang kape'y pipuno mo ng tamis
rosas naghain pagkain walang napanis
malugod na bubuyog pinaghainay nilinis
tulunga't bigayan araw ay di lumihis

ang masayang araw waring walang katapusan
yayo'y magkabalikat sa gawang pangkinabukasan
handang kalasag na magamit sa tampalasan
sa binubuong pangarap na tangka'y kunin buksan

maligayang lumipas panahon hagibis
pagkain sa mesa bakit laging panis
pag-uwi ng bubuyog lamesa'y iniipis
bulaklak walang ayos pabaya nakakainis

sino maysala sa nangyaring kataksilan
babae O lalaki siyang dapat parusahan
nasaan ang mga yakap at halik na pinagsaluhan
init at tamis ng kape'y nawalang tuluyan.

Graduate na

mapalad ang matanda buhay masaya
pinaghandaan panahon ng pagtanda
noon kabataan hindi naging pabaya
kaya ngayon damdamin puno sa tuwa

pagtanda ay hindi dapat katakutan
biyayang ipinagkaloob pasalamatan
suklian kabutihan sa nangangailangan
unawa malawak kahit may kapintasan

kumalog man baba huwag lang diwa
magandang nilalang sa balat ng lupa
kulubot sa pisngi't nuo tunay magara
tanda sa panahon landas nakibaka

maraming mga pangarap anak inuna
kinabukasan pinag-ipunan inihanda
ginawang haligi pundasyon simula
pag-aaral itinaguyod puso'y tuwa

busog sa pangaral matibay kultura
magalang sa matanda maging sa kapwa
mga anak binigyan magandang simula
handog sa paanan ama't ina diploma

sa matibay na simula kahit tumanda
ang panahon lilipas bakas sa mukha
ikaw igagalang dahil binigyan halaga
si impo ingkong pinagpala garaduate na


Sunday, March 15, 2009

Magkaibigan kami

mahalin ang kaibigan, nararapat
kaibigan nakakaunawa sa bigat
mga problema mong kinakaharap
siya ang katuwang sa tinatahak

narapat din kaibigan kilalanin
kaibigan, hindi narapat tuksuhin
huwag siyang gawin sawang bitin
sawang bitin kaya kang lingkisin

ingatan ang relasyon madungisan
bawat damdamin alaga kailangan
ibigay pinakamataas na pitagan
ganyan ang tunay na magkaibigan

sa haba ng mga landas na tinahak
madalas kasama lungkot halakhak
balakid sa pangarap kasang hinarap
walang iwanan, titig walang kurap

unti-unti sa damdamin, nagtatanong
wala ang kaibigan saan siya naroon
pakiramdam malungkot saan hantong
bakit balisa isip puso ano mayroon

matagal nang napansin aking sarili
sa damdamin sa gabi hindi mapakali
ako ba'y umiibig sa kanya? atubili
ang puso, dahil magkaibigan kami

Saturday, March 14, 2009

Number 2= panakip butas

siyay minahal mo nang walang pasubali
ano at ngayon malabis hinging kandili
umpisa pa lang alam mong hindi sarili
pagmamahal niya bakit umamot sumali

kabilang ka ngayon sa mga pusong sugatan
panahon lamang ang makabigay kagamutan
pusong umamot kahit kaunting kaligayahan
kahit maliit tanggapin handog na nakayanan

alisin na mga himutok sa iyong kalooban
tanggapin maluwag sa puso at sa kaisipan
siyay hindi magiging sarili kailan man
kanyang amot na pagmamahal alagaan

huwag labis na mag-alaala, sarili di mo bayaan
iyong palad, huli kang dumating, alam mo yan
pagmamahal kahit anong gawin hindi mapigilan
ikaw patuloy na magmamahal, pakatandaan





Friday, March 13, 2009

The endpoint

mans life is compost of so many chapter
everyendpoint is the freedom to start
a new one. new chaper new hope. the
endpoint giving way to another chapter

life is beautifull, you know not what
will come next. full of suspense, in
laughter and tears. its like watching
movies, you'r excited. its thrilling

but now you'r the writer. the plot
of the story lies in your decisions.
you, the actor executing the sequence
as directed by you being the director

the writer, actor and the director all in one
influence by the settings and the layout
supported by people arround him. acting
reacting, mans life goes on and on on

Wednesday, March 11, 2009

nagtapos ako

1957 nagtapos ako ng elementarya sa bongabon central elementary school. validictorian ang batang babae na tumawag nang aking pansin sa murang kaisdipan. may tuwa akong nararamdaman kapag siya ay pinagmamasdan. ang pagkabwisit ay hindi maiwasan dahil sa inaakala kong kanyang kayabangan. ang batang babaing ito ay hindi ko nakausap kahit na kami ay magkaeskwela. pagkatapos ng klase sa hapon ay kailangan umuwi na sa bahay, na siyang utos at kabilibilinan ni inang.

ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay isang maybahay lamang. ang mga magulang ko ay may tindahan sa pamilihan bayan ng bongabon. kung paano sila nagkaroon nang puwesto sa pamilihan bayan ay nalaman ko sa pamamagitan nang tahimik na pakikinig sa kuwento nang aking mga magulang kapag mayroon silang panauhin o bisita.

mayroon daw silang sampong sakong palay, kung saan ito galing ay hindi binanggit--siguro bigay nang aming lolo. .pinag-usapan nila ng akin ina kung ano ang marapat gawin. sabi nang aking ama, ang sampong sako nang palay pagdating nang disyembre ay siguradong ubos sa pagkain, ano kaya't magtinda ka sa palengke, igawa kita ng lamesa na paglagyan mo ng iyong mga paninda. sa madaling salita, nagtinda si ina sa palengke at si ama ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang karpintero. sa suweldo ni ama kukunin ang lahat nang pangangailangan. ang kita nang maliit na tindahan ay hindi gagalawin kahit na isang sentimo. hindi naiwasan na si ama ay pasumandaling naiwanan bantay nang mga paninda. dumating si ina at kita niya ang kamay ni ama na padukot nang kendi si ama sa garapon na kaagad naman binawalan ni ina. walang bawas ang kita at paninda ni ina. dumating ang disyembre ang lamesa ni ina ay naging dalawa at dumami pa mga paninda. patuloy itong lumaki at kinilala na isang nagtatagumpay na negosyante sa pamilihan bayan nang bongabon. si ama ay tumigil na sa pagkakarpintero'

1956 pumunta si ama sa mindanao upang alamin kung ano mayroon sa mindanao. 1958 lahat nang paninda kasama ang mga puwesto ay ibenenta at ang pamilya ay tumulak sa mindanao para sa isang pangarap na inaasam. buwan ng abril nang dumating sa dadiangas at tumuloy sa marbel buwan ng mayo. nagtayo nang isang panaderya ang aking ama.

ako ay katorse anyos second year high school sa pasukan nang taon 1958. na enroll ako sa notre dame of marbel boys department na ngayon ay isa nang universidad. nagtapos ako nang high school taon 1961. napunta ako nang maynila at kumuha nang kursong business administration na siyang gusto nang aking mga magulang. salungat sa nais kong kunin na agriculture.

sa universidad, may isa akong professor na nagbigay nang isang pahayag katanungan. " kayo ay narito sa maynila upang mag-aral. tinutustusan kayo ng inyong mga magulang upang makatapos sa inyong pag-aaral. kaya ba nyong mag-graduate sa kursong iyong kinuha? kung hindi nyo kaya, ano ang ginagawa nyo dito sa maynila? inaaksaya nyo ang inyong panahon, ang panahon nang inyong magulang. ang pera na kanilang ipinapadala ay mawalan nang saysay dahil hindi nyo maiuuwi ang diplomang inaasam nang inyong magulang. ang masabi ko sa inyo at bilang payo. hindi mo kayang tapusin ang iyong pag-aaral umuwi ka sa inyo at umpisahan mo nang kumita nang pera at mag-ipon upang nang sa ganoon ang mga naiwanan dito ay magkaroon nang trabahong mapapasukan pag sila ay nakatapos na. mauna na kayo sa pagkita nang pera kaya umuwi na kayo at magsimula"

not the exact words but the essence is living in my memory. i buy books i need, the titles are: small business; advertising and economics. sakay ng eroplano umuwi ako sa marbel at tumulong sa panaderya nang aking magulang. ako'y muling bumalik sa maynila upang mag-aral nang makabagong sestema nang paggawa nang mga masasarap na uri nang tinapay. ito ay natapos ko at ito ang nagpabago nang takbo nang aking buhay. napakahalaga na mayroon kang pinag-aralan at ito ay nagamit mo sa iyong buhay upang makapaglingkod ka sa iyong bayan.

ang tungkol sa batang babae ay sa susunod na kabanata

Tuesday, March 10, 2009

Tindera naging kahera

isang araw kasama ang barkada
pumasok sa restauran eskinita
aking nakita tenderang maganda
tapos kolehiyo maganda ang mata
simple lamang ngunit nakapustura
dibdib kumabog ako ay nagayuma

tinderay lumapit sa aking ang tingin
nakangiti mukhang ako ay napansin
ano kaya ang aking o-orderin
upang siyay tunay humanga sa akin
sigarilyo, beer, BBQ, O fried chicken
mata ko'y walang kurap, nakita bituin

sa kanyang paglapit ang unang nasambit
paboritong baka, maasim na papait
kaysarap ng luto ang bayad sadyang sulit
tunay sa restauran ako'y magbalik-balik
hanggang ang kaherang itinibok ng dibdib
sa aking panunuyo siya'y mapa-ibig

Monday, March 9, 2009

Asin at lugaw

mahal kong anak kahit hirap, itinaguyod

iyong paaaral. kinabukasan mo nagbunsod

sa amin nang iyong ina, ngayon may lugod

nakatapos ka, bunga ng aming hirap pagod


anak iyong pakaingatan mga natutuhan

gamitin wasto upang lalong pakinabangan

may kalasag magamit laban sa kahirapan

mga kakaharapin pakikipagsapalaran


kami nang iyong ina umaasa aming apo

labis na pagdarahop sa kanyay malayo

sa handa namin lugaw at asin matoto

kami ang lugaw asin sa kinabukasan mo


ngayon palang magsisimula kinabukasan

mga paghahanda tagumpay mong nalampasan

dampa nang magulang pag-asang mapalitan

asin at lugaw dindi maaring kalimutan


kaya asin nilugaw ikahiya di dapat

ano ang nakakahiya sa asin at lugaw

dahil sa asin at lugaw kuha tagumpay

magulang tuwa, anak tapos sa pag-aaral



Sunday, March 8, 2009

hapunan

latang katawan
walang tanim na ulam
pinggan kalawang

halik

masayang halik
lumipad dala'y hapis
pipit nagsayaw

okey ka

okey ka jose
talo mo ang mabagal
pagong at matsing

politiko

pag politiko
pangako ay pag-unlad
hirap nang buhay
Publish Post

Friday, March 6, 2009

ooooh pinoy

ooooh pinoy tunay marami kang kaibigan
sa taglay na kabaitan, pinagsamantalahan
hindi mo ipinagkait ang mga nalalaman
sa dayuhan kaibigan lahat ipinaalam

mga nalalaman mo, dayuhan kaibigan ang gumawa
higit mahusay sa yong turo, sa kanya may tuwa
ikaw ang bibili, produkto galing kanyang bansa
sa iyong kapabayaan, ikaw umani nang pagkadukha

sa kagipitan naranasan, kaibigan nilapitan
humingi nang tulong, kaibigan pautang na man diyan
sa kagipitan, kontrata kondisyones pinirmahan
pambayad utang, malaking bahagi nang kaban bayan

ang bayan ni juan, kailan magising sa katotohanan
yaman natural nang bansa, pakinabang ay kailan
oh aking bayan, kailan pa magliwanag ang karimlan
bayan ni juan kailan ka magkaroon nang katatagan?

pag-asenso sariling tiwala kailangan
tayo'y magtulungan samahan nang kasipagan
bayan ni juan huwag iwalay sa isipan
tagumpay kamtin puso isipan kabuhayan

Sa pagtula binuksan

sa pagtula, hirap na damdami'y binuksan
naihayag ang kalooban nagdaramdam
ang gobyernong namahala sa kaban bayan
bakit nalubog bansa sa malaking utang

utang napakalaki hindi mabayaran
sari-saring dahilan ikinakatwiran
isa lang maliwanag sa bayan ni juan
tambak ang utang, kulang mga pagkakitaan

sa ngayon katayuan, bakit bayan ni juan
nagtuturuan sa kung sino may kasalanan
bawat isa tumingin salamin kailangan
pinagsama-samang kamalian ang dahilan

panahon na upang si juan magbago
kung nais makamit pangarap pag-asenso
politiko'y suriin, kilos at pangako
mga nagnais siyang magpalakad gobyerno

bayan ni juan gumising at pakasuriin
mga nangyayaring kalakaran dito sa atin
suno-sunod pahirap kaya bang balikatin
sa eleksyon, mga sinungaling dapat tanggalin

Thursday, March 5, 2009

Balik-tipon [class reunion]

Sa high school tayo ay magkaeskwela
Ang barkada kapag nagkasamasama
Bawat isa may halakhak tumatawa
Kita sa bawat mukha masigla masaya

Pagkatapos ng graduation lahat nagkasundo
Muling magdikit palad matapos limang Mayo
May napunta sa Maynila sa Cagayan de Oro
Lahat nangangarap makatapos ng kurso

Sa Koronadal marami ang nagsipag aral
Notre Dame College ang magiging patnubay
Upang makamit hangad na katalinuhan
Gagamitin upan pakinabangan ng bayan

Natapos ang limang taon tayoy nagkitakita
Sa ating reunion ginanap malapit sa plaza
Mga kaibigan mga barkada lahat may tawa
Dahil muling nagkalapit mga damdamin bata

Matulin lumipas humahagibis na panahon
Maraming kasama hindi na alam saan naroroon
Napunta ng America Canada Malaysia Hongkong
Hangarin magandang buhay pangarap pa noon

Marami nang namaalam sa mundong ibabaw
Kanilang mga ngiti halakhak sa dilim ay tanglaw
Ngunit hindi na marinig Makita kahit may ilaw
Silay pumaroon patungo sa bagong balintataw

Tayong naiwanan patuloy takbo ng buhay
Pagsumikapan dinaraanan lalong maging makulay
Dahil bawat isa ay yugto nang magandang pakay
Salamat Panginoon Diyos saiyong patnubay

Monday, March 2, 2009

Luha

luha sa mata
ang gamot maginhawa
sakit nadama

Bakit

bakit nadapa
sa pusali napunta
guhong pangarap

Saturday, February 28, 2009

To all my friends and readers

i based my comment on the personna projected in the poem
on the character the personna portrays self on my mind.

all my poems are base on real life, not necessarily my life
but on every day life of human and man being. acting, reacting
inter-reacting. life is beautifull, exciting, full of suspense
that you know not what will come next.

life is short and i found that it is a waste of time to indulge
on selfpity, on sadness and sorrow. i try to project to my
poems hope for today and not tomorrow or yesterday.life
is now and it will always be forever now.

i love those poet who makes comment on my work for it
makes me feel in a way that i was able to communicate.
to them and also to you, thank you.........

Not right

my right is not right if it offends
clarification is the best medicine for misunderstanding
accepting the explanation heals

Kayganda mo aking mahal

Kayganda mo aking mahal, kayganda mo aking sinta

Sa akin, ang laging dulot mo’y kagalakan at ligaya

Kay hinhin nang iyong kilos para kang punong palma

sa higpit nang aking yakap ikaw ay laging masaya


Ang dibdib mong ubod yaman tulad sa papaya

Aking susungkitin, aakyatin kakatasin ang bunga

Sa dibdib mong ubod bango lagi akong maligaya

Pagdating gabing tahimik, dyan ako dadalaw sinta


Kayganda mo aking mahal, kayganda mo aking sinta

Ang labi mo’y pulang pula sadyang kahalihalina

Kapag ikaw ay nangungusap lalo itong gumaganda

Mga kataga Nang pag-ibig sa aking pandinig musika


Ang labi mo aking hirang kay tamis Nang malasahan

Lumakas pakiramdam ko sa bigay na sigla sa katawan

Ang dila mo’y sadyang kaylikot lasa’y parang pulot

Tunay Katas nang kaligayahan ang sa akin ay dulot


Kayganda mo aking mahal, kayganda mo aking sinta

Kayganda talaga nang mga mapupungay mong mata

Nagniningning, nang-aakit habang aking minamasdan

Ikaw ay tunay na inibig mula nang mata mo’y nasilayan


Ang buhok sa tamang haba, sa pagkilos sumasayaw

Ang balikat na laging Malinis ang siyang kaulayaw

Ang leeg mo’y ubod kinis may kuwintas na kay inam

Tama lamang ang kasukatan kaysarap na halikan


Sa halamanan hardin ikaw laging pinupuntahan

Nagnanais na ang ngiti sa umaga masilayan

Halik sa mga labi nais kong laging matikman

Tunay nga tunay na tayo’y nagmamahalan

Hindi tayo magkakalayo hanggang sa kalangitan

Friday, February 27, 2009

Kahilingan

ako'y may kahilingan sa aking magiging magulang
kinabukasan ko'y paghandaan bago ako isilang
sa aking magiging ama, sa gatas ako'y huwag agawan
pagkain ko sa araw-araw huwag kalilimutan
pag-aaral ilagay sa puso, haligi kang kapitan
kaya hiling ko, panahon huwag sa barkada ilaan


sa aking magiging ina, hiling sana'y maunawaan
tungkulin bilang ina at asawa iyong paghandaan
ikaw ang matuturingan ilaw nang ating tahanan
magbibigay sa asawa at anak nang kaliwanagan
upang aking buhay sa lupa maging makabuluhan
hirap ay naiwasan dahil ang bukas pinaghandaan


ako'y may kahilingan sa aking magiging magulang
kinabukasan ko'y paghandaan bago ako isilang
sa aking magiging ama, sa gatas ako'y huwag agawan
pagkain ko sa araw-araw huwag kalilimutan
pag-aaral ilagay sa puso, haligi kang kapitan
kaya hiling ko, panahon huwag sa barkada ilaan


sa aking magiging ina, hiling sana'y maunawaan
tungkulin bilang ina at asawa iyong paghandaan
ikaw ang matuturingan ilaw nang ating tahanan
magbibigay sa asawa at anak nang kaliwanagan
upang aking buhay sa lupa maging makabuluhan
hirap ay naiwasan dahil ang bukas pinaghandaan

Monday, February 23, 2009

Huwag kang sasabay

gusto mo lang naman ako'y makita
hindi kailangan ang sumabay pa
walang pipigil sa iyong paghanga
may layang karapatan bawat isa

ang gawin mo, doon sa kanto mag-abang
ihanda video camera ako'y kunan
pagdating sa bahay panoorin nalang
magsawa pagtingin sa hinahangaan

aking katayuan batang bata pa
hindi pa nakatapos pag-eskwela
sabihin mong sayo'y huwag mangamba
palagay mo, ako'y napakatanga

kalabisan naman sigurong sabihin
ikaw ay sadyang bastos at walang galang
sa tulad mong sa daan ako'y sabayan
paanyaya dumalaw ka sa tahanan

Friday, February 20, 2009

Trapo

itlog nang itik
damit ginawang trapo
gawa mang-uto

Panty

panty binili
nagliwanag ang dilim
manok tilaok

Maestro

turo sa bobo
matalinong maestro
bata pasado

Sumimsim

pisngi mapula
sumimsim ang bubuyog
may nagpabinyag

Aklat

bumili aklat
sumulat tula hayko
nagustuhan ko

Doktor

pintig nang puso
ang doktor pinuntahan
baka may tampo

Birthday

pancit guisado
nanay nasa palengke
handa kay kuya

Tsinelas

lumang tsinelas
sa mall binili bago
kahapo'y limot

Wednesday, February 18, 2009

Fiesta

aircondition bus
maalikabok daan
fiesta sa davao

Nfa

mahal ang bigas
nfa hindi ligtas
bigas nasaan

Hayko

naglalambitin
nasa hayko si barok
baka dumating

Aray

sira ang ngipin
wala pa ang dentista
aray naman po

Yakap

gabing madilim
bituin nagniningning
yakap mahigpit

Laway

mangga nahulog
sa lupa pinupulot
laway tumulo

Kargo

karga kargador
palengke trabahador
humingi pabor

Bakit

haba nang talong
ang tinderang maganda
ba't nakatawa

Mailap

ulam masarap
ang puso'y nangangarap
buwan mailap

Iyak

takbo'y mabilis
hinahabol nang pulis
iyak si neneng

Wala

pokpok sa pako
nakalabit gatilyo
wala ang ulo

Lpg

walang lpg
huminto ang sasakyan
gutom si tatay

Tubig

tubig sa baso
uhaw sa pagmamahal
ina nalumbay

Nagtaka

bata nadapa
sorbetero nagtinda
siya'y nagtaka

Tuesday, February 17, 2009

Huwag

huwag mag-away
kung hindi magkasundo
dapat maglayo

Monday, February 16, 2009

Sige, patuloy mo siyang mahalin

ang tulang ito ay para kay kapitantiago
sa kanyang nag-iisan pagibig

sige, patuloy mo siyang mahalin
siya ang iyong buhay
siya ang iyong awit
siya ang iyong tula
laman siya nang iyong isipan
laman siya nang iyong pangarap
laman siya nang iyong panaginip
laman siya nang iyong pantasya

sige, patuloy mo siyang mahalin
maraming sangkap masarap na buhay
matamis na ngiti
matunog na tawa
taginting nang halakhak
indak nang mga paa
kaway nang mga kamay
mapait na luha
hapdi nang kabiguan
at marami pang iba

sige, patuloy mo siyang mahalin
sa tamang yugto
sa gustong indayog
sa hakbang nang mga paa
maliit O malaki
sa gustong init
sa gustong lamig

sige, patuloy mo siyang mahalin
patuloy kang kakatha nang mga tula
hanggang siya ay may buhay
patuloy kang mabubuhay
kung siya ay wala na
sino pa ang iyong mamahalin

salamat sa mga tula
na iiwanan sa amin

Friday, February 13, 2009

Nagtanan ba?

tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig
mahabang landas tinahak upang ako'y makaniig
para ako matunghayan sa bintana sumisilip
at nang ako'y makita oara siyang nanaginip

ang mahal ko nangusap ganito ang tinuran
sumama ka sa akin mahal tayo'y magtanan
tag-ulan ay lumipas na sa aming bakuran
ako'y nakahanda ng ikaw ay panagutan

halika ganda mo ay nais kong mamasdan
nang akin din marinig tinig mong ginintuan
bilisan ang pagpanaog baka tayo maramdaman
naghihintay motorsiklong inihanda na sasakyan

aking nobyo patakbo'y huwag mong bilisan
huwag kang mag-alala hindi tayo aabutan
kahapon pa sa mga magulang ako'y nagpaalam
sa pagtatanan maiwasan malaking gastusan

Tulay ng pangarap

sa araw-araw maaga akong gigising
maliit na bakuran at bahay lilinisin
mga lagas na dahon nang kahapon wawalisin
kasama nang mga basura aking susunugin

mundo ko maliit ngunit ako'y masaya
marunong magpantsya mangarap talaga
sa lilim nang punong mangga nilulubid ko pa
mga gagawin pagdating sa bansang inglatera

mahirap aking buhay ngunit gumagalaw
kung ano ang mayroon siyang ginawang tulay
sa pangarap kong tutuong tunay

lumipas na kahapon na walang saysay
kasama sa basurang iwawalay na tunay
sa malinis na bakuran lagi akong buhay
dito nagsisimula ang tunay na tagumpay


tagumpay sa buhay hindi nasusukat
sa palasyong bahay kwartong parisukat
mayaman pobre gawa sa lupa may katapat
kasamaan kabutihan sa langit may kalapat

Lake sebu

sa lake sebu makikita, maliliit na mga alon
alon sa paligid maganda, ano ang mayroon
iyon ay aalamin, turista akong paparoon
anong bahaghari, ang matatagpuan doon

ako'y mamangka, upang maramdaman
dampi nang hangin malamig, sa aking dughan
alon nang tubig, gusto naman mahawakan
lake sebu, ganda mo'y gusto kong malaman

isda galing lake sebu, aking natikman
tilapia kung tawagin, kaiba ang linamnam
sinugba,paksiw, kinilaw, iyong pagpilian
ano man luto, siguradong magugustuhan

lake sebu, ang lawa sa itaas nang bundok
iyong lalim, wala akong nasang maarok
sapat na ang hangin, nilalaro aking buhok
magandang bituin kasama, nagbigay antok

lake sebu, ikaw ba'y tunay na matulain
ang iyong paligid puno ba, ng mga awitin
kaayaya ba, sa pandinig mga tugtugin
habang pumapadyak, mga paang matulin
kendeng ng baywang, takaw ba sa tingin

iwanan ang problema at mga panimdim
halina sa lake sebu, puntahan bigyan pansin
may kaibang ganda ba, ang kanilang bituin
lahat nang ito ay sama-sama nating aalamin

Hindi Pwede

parang kailan lang, ng tayo'y magkakilala
sa palengke una tayong nagkita
ipinakilala ka ng kaibigan kong si lita
kaylambot kaylamig, kamay mo'y nanginginig pa

hindi ko maunawaan, ang aking naramdaman
kaytagal na, mukhang mauulit na naman
kayraming nagsalimbayan sa aking kaisipan
bumilis pintig nang puso, pangarap kang anakan

ako'y nagtiyaga, buong puso sinuyo kita
sa pagdalaw, tsokolate bulaklak aking dala
handog sa iyo upang lagi mong maalaala
walang ibang nililigawan ikaw lamang sinta

lumipas ang humahagibis na panahon
sa panliligaw malapit mag-isang taon
mula unang dalaw buwan nang mayo noon
ako'y kinabahan mata ko sa iyo nakatuon

bigla kaibang sigla itong aking naramdaman
nang sabihin sa susunod na dalaw malalaman
inialay na pag-ibig bibigyan kasagutan.
sa wakas paghihintay dumating katapusan

ang wika niya sa akin nang ako'y dumating
sa lahat ng mga nanliligaw sa akin
ikaw ang matiyaga at maalalahanin
nagkaroon ka ng pitak sa damdamin

ngunit may nagsabi sa akin hindi ko akalain
hindi ko tuloy malaman paano sasabihin.
may asawa ka, hindi puweding angkinin
akala ko'y binata kang umiibig sa akin

humayo ka, sa panaginip, pag-ibig iyong baunin
harapin hindi tayo pwedeng pagsamahin
puso'y nalito, ang bulong gusto kang mahalin
ngunit buo ang loob mong ako'y lilimutin

Thursday, February 12, 2009

Pulubi: natupad na pangarap

KAHIT NA PULUBI MARUNONG DIN NAMAN MANGARAP AT KUNG MATIYAGA, MASIPAG AT MAABILIDAD, MALAKI ANG PAG-ASANG UMANGAT.


kanyang gulanit na saplot
sa katawan isinuot
tagpi'y tadtad, abot abot
ang manggas, kulang talulot
may bulsa nga, pero buslot

ang pantalon, kulay pula
nawalang damit ni santa
baywang may taling kadena
maigsi kabilang paa
may punit, tuhod pababa

mata'y malungkot, malamlam
ngiwing baba, parang nakulam
ang titig nang pamaalam
bukal nang awa nakamtan
lapad na baka, inabutan

sa banketa sumalampak
bigla bunghalit nang iyak
sa tindi nang laka, nagulat
mga naglalakad tingin lahat
kalansing nang bakal mabigat

sumasayaw umiindak
iipunin kalansing pinulot
malapit, pangarap maabot
karenderyang de gulong
ililibot kasama ang sandok

Tuesday, February 10, 2009

Kulang sa pera

alay tapat na pagsinta
tayo ko 'di nakahanda
ibigin mo 'di magawa

kaya pilit lumayo
kapag ako'y nabigo
babalik nakayuko

sa aking paglisan
naipon mga sagwan
yari sa bakawan

muli;t muli susuyuin
pag-ibig kong uulitin
nais puso mo'y kamtin

halika aking mahal
pag-ibig gawin banal
tayo na magpakasal

Saturday, February 7, 2009

Tampurista

Kay tagal narin naman tayoy hindi nagkikita
Sa puso koy napapanaginipan parin kita sinta
Hindi maunawaan bakit laman ka parin ng alaala
Hindi man nagkaunawaan kailangan bang lumayo ka

Natandaan ko pa noon tayoy naglakad sa plaza
May pagbati kaibigan at kilala pagnasalubong sila
Maganda raw tayong masdan magkahawak kamay pa
Kaydami mong kwento at mga biro tayoy masaya

Itoy mga alaala ng lumipas sa aking gunita
Mananatili itong buhay sa akin kahit ikaw ay wala
Tahimik ang panalangin nagnanais sanay bumalik ka
Naghihintay ba ako ng isang panahon malaon ng wala

Mga sulat mo na akin itinago muling babasahin
Pipilitin kong matagpuan ang susi sa tampuhan natin
Madalas sa hapag kainan wala akong ganang kumain
Hindi ito tama wala itong masayang mararating

Matagal kanang wala dapat bang maghintay pa
Ang puso paglubog ng araw laging puno ng dalita
Umaasam ng isang pag ibig na marunong umunawa
Sana pag ibig ko sa iyo mawaglit sa aking gunita

Dahil ikaw ay wala na ako ngayon ay Malaya
Ang gapos ng iyong pag ibig kinakalas ko sa alaala
Bagong pag ibig pangako di ako maging kawawa
Ngayon akoy maingat ayaw ko sa tampurista

DATI'Y MAY BUHOK

Sunday, February 1, 2009

Pulubi: isang hanapbuhay

Akoy naglalakad sa daan bukas ang palad
kinakalabit mga kasalubong sa paglakad
Sa kanilang mata aking titig nagbababad
malungkot na mukha sa kanilay nabantad

piso nang maawain puso sa akin iyaabot
lima naman sa binatang kasama ebobot
sampo bigay nang mayaman di kuripot
sermon, kakambal sa bigay na karampot

Bukas ang palad, sa araw araw lumalakad
itong aking hanapbuhay piso o sampo hanap
sa ngayon mabuti na ito kaysa mang holdap
pulubi nga ako pero marunong din mangarap

Saturday, January 31, 2009

Ang kinabukasan

ANG PAG AASAWA AY ISANG HAKBANGIN KINAKAILANGAN PAGHANDAAN. hindi ito tulad nang kanin isusubo at iluluwa pagnapaso. sa pag aasawa ay marami kang dapat paghandaan. ikaw babae o ikaw lalaki marunong ba kayong magluto. ikaw lalaki, kaya mo bang bumuhay nang iyong pamilya o baka aasa ka lamang sa kunsintidor mong magulang o sa nagsisi mong biyanan


Batang musmos dinggin mo aral nang iyong ama
At huwag ipagwalang bahala turo nang iyong ina
Sila ang unang guro para sa buhay na pinagpala
Tanggapin mo magandang aral buhay moy liligaya

Ngunit ano ang dahilan at kayoy nag apura
Nilundag ang pananagutan kayoy hindi nakahanda
Disesais anyos nang ikaw ay maging isang ina
Ikaw naman disesiete nang maging isang ama

Anong uring buhay ibibigay sa naging anak
Ikaw ay bata pa katawan mo ay mapapasabak
Sa mga uri nang trabaho na hindi nararapat
Ang luha nang pagdaramdam siguradong papatak

Oh aking ina aking ama akoy tulungan
Pambili nang gatas para sa aking bunso kailangan
Akoy nakikiusap huwag na akong pagkaitan
Akoy huwag nang sisihin sa aking kinasapitan

Payo ni ama at ina gayundin nang biyanan
Kamiy maghiwalay siya namin kailangan
Upang isang anak hindi maragdagan
Aming ituloy paghahanda sa kinabukasan

Hindi pa huli ang lahat para kamiy mamulat
Ipinagpatuloy pag aaral barkaday nagulat
Iba na raw ako ngayon dahil naging masikap
May pag asa pagdating nang araw maging sikat

Hanggang dito nalang muna aking tula
Sanay magbigay aral sa kabataan at balana
Baka ako mahuli kailangan pumasop pa sa opisina
Salamat sa pang unawa ng aking biyanan, ama kot ina

Friday, January 30, 2009

Basahin nang malakas

Ang aking mga tula ay magandang basahin nang malakas.
dama mo mga ibang kahulugan sa lakas ng iyong pagbigkas
Ang aking mga tula ay simple lamang, mga bahagi nang lumipas
kaya hindi ka na mahihirapan sa mga aral na nagbibigay lunas.
kaya iyong subukan basahin bigkasin mo ito nang malakas
para sa iyong kasiyahan at kaligayahan sa darating na bukas

Thursday, January 29, 2009

Ang iyong mga mata

Sa tuwi kong titingnan ang iyong mga mata
Panahon lumipas bumabalik sa gunita
Ang nagdaan sa gunamgunam ay aking nakikita
Kay saya saya nang kapaligiran makulay sinta
Sa punong kahoy naukit pangarap tang dalawa

Sa tuwing iyong mga mata ay aking titingnan
Aking naalaala ang lamig nang patak nang ulan
Mula sa bukas na bintana ang daloy nang hangin
Nagtutulak sa akin upang ikaw ay yakapin
Pagmamahal na walang kupas iyong lasapin

Sa tuwing titingnan ko mata mong mapungay
Balik sa gunita ang sigla at ganda sikat ng araw
Nahihinog na ang mga mais ang mga tanim na palay
Mga ibon sa punong kahoy naglalaro sumasayaw
Tunay palatandaan ginhawa at saya sa ating buhay

Sa tuwing mata moy walang sawang tinitingnan
Tanda ko pa tayoy nagdarasal sa hapag kainan
Masarap na pagkain masayang pinagsasaluhan
Maligayang nagkwekwentuhan tayoy nagbibiruan
Malapit nang magkabunga ang ating pagmamahalan

Sa tuwi kong titingnan ang iyong mga mata
Ikaw at ako sa hirap at ginhawa laging magkasama
Kaya naman ating mga anak minahal inaruga
Upang kanilang makamit buhay puno nang pag asa
May sariling pamilya na sila balik tayo sa dalawa.

Sa hirap at ginhawa naitaguyod mga anak
Mga kulubot sa nuo at pisngi ang tatak
Maliliit na mga apo dulot tuwa at halakhak
At tuwi kong titingnang ang iyong mga mata
Ningning nang kaligayahan aking nakikita

Ngayon mata moy nakapikit ikaw ay wala na
Hindi ko na makikita kislap nang iyong mga mata
Lungkot sa nanlalabo kong paningin may luha
Anag ag nang makulay na lumipas aking nakikita
Ngunit ngiti ko ay malungkot dahil ikaw ay wala

Noon panyo ay gamit sa pagpunas nang pawis
Ngayon panyo ay gamit sa luhang dumadalisdis
Nang ikaw ay mawala akoy nawalan nang bagwis
Ngayon ayaw ko nang lumipad dahil walang kaparis
Lapis at papel kapiling ko sa paghihinagpis

Sadyang ang daloy nang luha ay nagpupumilit
Bakit ang aking dibdib ay unti unting nagsisikip
Akoy sadyang pagod na matay nais ko nang ipikit
Ikaw kaya ay makita ko sa aking mga panaginip
Gunita ng kasaysayan lumipas masayang bumabalik





Lupang mindano

ako'y isinilang sa lupang mindanao

nagulat sa mundong magulo ang tanao

nagpapatayan, pilipino laban sa pilipino

ano bang dahilan at may kaguluhan ganito


maraming katanungan naglalaro sa isipan

kaylan magwawakas ang ganitong kaguluhan

paano ang taong bayan walang katahimikan

napipilitan iwanan kanilang tahanan


maawa tayo sa kinabukasan nang kabataan

huwag silang gawin sangkalan O dahilan

sa digmaan malayo ang katotohanan

kaya hindi makamit mithing kapayapaan


ako'y nananawagan at humihingi nang tulong

magsama-sama dumalangin sa panginoon

magkaisang lahat at magtulong-tulong

magmahalan magbigayan magkaunawaan


itong aking tula ay inihahandog ko

sa aking bayan at sa buong mundo

sa pag-isang bisig may tuwa sa puso mo

ituwid ang ngayon nang hindi mapaso


ito'y kailangan sa tunay na katahimikan

dapat magkasundo sa pag-unlad nang bayan

rebelde, gobyerno, simbahan hanapin daan

upang mahinto itong labanan sa mindanao

Isang dangkal na hukay

ang isang dangkal na hukay
kayang magbigay nang buhay
ginto't pilak sa iyo ibibigay
huwag tamad gamitin ang kamay


mga binhi ilagay sa tamang hukay
ito'y alagaan mo nang mahusay
ang halaman sa init nang araw
diligin nang tubig papawi sa uhaw

Huwag kalilimutan

hayan na naman, hayan na naman ang tampalasan demonyo

sa gabi at araw ang laging hinahangad, ikaw matukso

upang sa itinayong kaharian ikaw maging miyembro

kasama ka sa parusang itinalaga sa impyerno


sa araw araw siya ay laging nakaabang sa iyo

hinaharana ka walang tigil mga sari-saring tukso

napakaraming nagsalimbayan sa paligid na bisyo

si satanas tuwang tuwa kung makita kang ikaw natiklo


pinagtatawanan ka mula ulo hanggang paa

hagikgik si satanas habang ikaw nagdurusa

gawa ni satanas ginaya, ano ang iyong napala

hindi ba sa bandang huli ikaw ang naging kawawa


kaibigan mapalad ka, si Jesus ikaw tutulungan

kasalanan nagawa ihingi nang kapatawaran

taas nuong tanggapin iginawad na kaparusahan

si Kristo Hesus, sa iyong puso ikaw sasamahan


damdamin mo at diwa nasa loob man nang piitan

magiging payapa hanggang sa araw nang kalayaan

sa [agtanggap kay Kristo Hesus may matutuklasan

bagong silang ka sa bagong pakikipagsapalaran


sa iyong isip si satanas nararapat nang walisin

dahil iyong nalaman buhay mo'y kanyang guguluhin

mahirap man buhay sa lupa langit iyong mararating

huwag kalilimutan araw-araw manalangin

Wednesday, January 28, 2009

Kahapon alaala

ang nabubuhay sa alaala ay walang darating na umaga
ilgay sa isang tabi ang mga talata nang kahapon alaala
harapin ang buhay upang kahapon ay hindi maging aba
huwag kalilimutan buhay puno nang pag-asa kung nakikibaka

Malupit sa kapaligiran



ibon may ay nalulungkot natutuwa kung minsan
tulad ng tao may damdamin din nasasaaktan
parang isang ina labis ang kaligayahan
kapag kanyang mga twiiit twiiit ay nasisiyaha

ngunit ang tao ay sadyang malupit sa kapaligiranpag
putol punon kahoy walang pakundangan
pugad sa puno sa mgatwiiit twiiit ay tahanan
akong ibon ina'y lumuha sa mga nasaksihan

mga inakay kong liyag hindi na masilayan
malungkot akong lumipad hapis di mapantayan
sa taas ng lipad hanap lunas sa kalungkutan
ibon man man marunong magdamdam kung masaktan

nilalang ng diyos ang mga puno sa kagubatan
kasama kaming mga ibon doon nanirahan
mga punong pangkalikasan siya namin tirahan
bakit pinutol ng tao ng walang pakundangan


sana si kalikasan ay mabuhos nang ulan
walang humpay buong gabi at maghapunan
at pagbumaha sa nakalbong kagubatan
baha rin sa tirahan ng tao sa pamayanan

ang pagbaha sa cotabato at bagongbayan
bunga ito sa gawang pagkalbo sa kagubatan
kung hindi nagpabaya gobyerno at simbahan
hindi daranasin mga pagbaha sa kapatagan

kailangan bang danasin hagupit nang kalikasan
bago pagsisihan nang tao ang mga kapabayaan
dumating na ang panahon nararapat pakaiwasan
pagputol ng kahoy sa kagubatan kabundukan

kaming mga ibon ay inyo ng pawalan
pagkakulong sa hawla ng kalungkutan
sa paglaya, sana kagubatan ay pangalagaan
ibon at tao liligaya muli kahit saan




Lito

May isang bata ang pangalan ay Lito
Laging may katanungan kitang matalino
Bakit aming bakuran wala man lang puno
Punong langka masarap ang prutas nito

Bakit si nanay at tatay ay walang tanim
Puno ng bayabas na aking aakyatin
Ang bunga nito masustansya pag kinain
Bitaminang taglay dulot ay lakas sa atin

Si Lito lagi ang tingin sa kabundukan
Kanyang napansin ang kalbong kapaligiran
Galing sa maitim na ulap malakas na ulan
Umabot hanggang baywang tubig sa bakuran

Si Lito napasyal sa kangyang Lolo Endo
Ang bahay napakalaki para itong palasyo
Kanyang lolo tinanong bakit bundok nakalbo
Nalaman kasama ang lolo nagtumba ng troso

Nagsisisi si lolo sa kanyang mga ginawa
Mga pang aabuso sa kalikasan kita sa bintana
Ang kanya ngayong mga apo siyang kawawa
El Ninyo La ninya sumira sa buhay na sagana

Monday, January 26, 2009

NAGLALAKAD SA PAGTULOG

Ang aking tula

Ang aking tula isang malumanay na indayog ng duyan
Nagpapahinto nagpapatulog sa batang ayaw tumahan
Mga indayog ng mga piniling kataga sa diwang nabalutan
Inaantok naghihintay ng ningning sa kinabukasan

Nakalutang sa damo mga lagas dahon ng kahapon
Mula sa matikas na punong kahoy mayabong mga dahon
Hindi akalain sa lakas ng hangin tumumbalintong
Ang akin tula ng mga pangarap saan kaya hahantong

Aliw-iw ng kawayan sa tumana sa dinig isang tula
Tula ko`y nagmula sa hardin bulaklak dibdib ng dalaga
Twiiit twiiit ng mga ibong inakay padyak ng batang lumuluha
Sa bigkis ng kabiguan ng kahapon nais kong makawala

Sa naghihinagpis kong damdamin isinilang isang tula
Ang aking tula nagtatanong sa isang katotohanan nawala
Nakita sa brutsa ng isang pintor ang guhit patuloy lumuluha
Sa paleta sasayaw ang mga kulay ng pinturang may tula

Ang aking mga tula ay maraming pinagmulan
Kaya kahit sa pagtulog tumutula ang kaisipan
Kung iyong marinig mabasa tulang pinagpaguran
Ang ligaya`y sa akin kung kayo`y nasiyahan

Sunday, January 25, 2009

Ano ang gagawin

Minsan akoy umibig sa iyo
Subalit nagawang iwanan ako
Hinanap ka sa maraming dako
Nasaan ka sinta akoy natiis mo

Kaytagal puso koy naging ulila
Ang magmahal sadyang ayaw ko na
Hindi na ako kailan man iibig pa
Tama na ang pab ibig kong kaisaisa

Ngunit hindi ko talaga akalain
Isang umaga akoy biglang nagising
Bagong pag ibig ang siyang kapiling
Higit sa iyo kung aking ihahambing

Isang umaga bigla kang dumating
Yuko ang ulo hindi makatingin
Hiya at pagsisisi ang ipinakita sa akin
Una kang pag ibig una kang nakapiling

Ano ang nararapat kong gagawin
Siya ba ay aking patatawarin
Siya ba ay aking kukupkupin
Siya ba ay muling mamahalin

Aking biyanan

Noon ako ay dalaga pa at nililigawan
Nang binatang akin naman napusoan
Aking napansin aking magiging biyanan
Mukhang ayaw nila akong maging manugang

Ngunit binatang sadyang sa akin ay umiibig
Pag-ayaw nila sa akin hindi naging balakid
Hindi nagtagal kamiy pinag isang dibdib
Handang harapin mga pagsubok na sasapit

Itong aking biyanan magulang ko narin
Tinatanggap ko hindi iba kaya aking mamahalin
Ngunit puso nila at damdamin inilayo sa akin
Gayon paman kanilang pagpuna aking tatanggapin

Isang bagay lamang hindi kayang tiisin
Ang siraan ako storyang hindi magaling
Masnararapat na akoy kanilang unawain
Apo nila aking mga anak dapat nilang mahalin

Ano kaya ang nararapat kong gawin
Upang itong aking biyanan akoy tanggapin
Isang malaking palaisipan nais kong tuklasin
Kasagutan dito dulot ay ligaya lahat sa amin.