Saturday, January 31, 2009

Ang kinabukasan

ANG PAG AASAWA AY ISANG HAKBANGIN KINAKAILANGAN PAGHANDAAN. hindi ito tulad nang kanin isusubo at iluluwa pagnapaso. sa pag aasawa ay marami kang dapat paghandaan. ikaw babae o ikaw lalaki marunong ba kayong magluto. ikaw lalaki, kaya mo bang bumuhay nang iyong pamilya o baka aasa ka lamang sa kunsintidor mong magulang o sa nagsisi mong biyanan


Batang musmos dinggin mo aral nang iyong ama
At huwag ipagwalang bahala turo nang iyong ina
Sila ang unang guro para sa buhay na pinagpala
Tanggapin mo magandang aral buhay moy liligaya

Ngunit ano ang dahilan at kayoy nag apura
Nilundag ang pananagutan kayoy hindi nakahanda
Disesais anyos nang ikaw ay maging isang ina
Ikaw naman disesiete nang maging isang ama

Anong uring buhay ibibigay sa naging anak
Ikaw ay bata pa katawan mo ay mapapasabak
Sa mga uri nang trabaho na hindi nararapat
Ang luha nang pagdaramdam siguradong papatak

Oh aking ina aking ama akoy tulungan
Pambili nang gatas para sa aking bunso kailangan
Akoy nakikiusap huwag na akong pagkaitan
Akoy huwag nang sisihin sa aking kinasapitan

Payo ni ama at ina gayundin nang biyanan
Kamiy maghiwalay siya namin kailangan
Upang isang anak hindi maragdagan
Aming ituloy paghahanda sa kinabukasan

Hindi pa huli ang lahat para kamiy mamulat
Ipinagpatuloy pag aaral barkaday nagulat
Iba na raw ako ngayon dahil naging masikap
May pag asa pagdating nang araw maging sikat

Hanggang dito nalang muna aking tula
Sanay magbigay aral sa kabataan at balana
Baka ako mahuli kailangan pumasop pa sa opisina
Salamat sa pang unawa ng aking biyanan, ama kot ina

Friday, January 30, 2009

Basahin nang malakas

Ang aking mga tula ay magandang basahin nang malakas.
dama mo mga ibang kahulugan sa lakas ng iyong pagbigkas
Ang aking mga tula ay simple lamang, mga bahagi nang lumipas
kaya hindi ka na mahihirapan sa mga aral na nagbibigay lunas.
kaya iyong subukan basahin bigkasin mo ito nang malakas
para sa iyong kasiyahan at kaligayahan sa darating na bukas

Thursday, January 29, 2009

Ang iyong mga mata

Sa tuwi kong titingnan ang iyong mga mata
Panahon lumipas bumabalik sa gunita
Ang nagdaan sa gunamgunam ay aking nakikita
Kay saya saya nang kapaligiran makulay sinta
Sa punong kahoy naukit pangarap tang dalawa

Sa tuwing iyong mga mata ay aking titingnan
Aking naalaala ang lamig nang patak nang ulan
Mula sa bukas na bintana ang daloy nang hangin
Nagtutulak sa akin upang ikaw ay yakapin
Pagmamahal na walang kupas iyong lasapin

Sa tuwing titingnan ko mata mong mapungay
Balik sa gunita ang sigla at ganda sikat ng araw
Nahihinog na ang mga mais ang mga tanim na palay
Mga ibon sa punong kahoy naglalaro sumasayaw
Tunay palatandaan ginhawa at saya sa ating buhay

Sa tuwing mata moy walang sawang tinitingnan
Tanda ko pa tayoy nagdarasal sa hapag kainan
Masarap na pagkain masayang pinagsasaluhan
Maligayang nagkwekwentuhan tayoy nagbibiruan
Malapit nang magkabunga ang ating pagmamahalan

Sa tuwi kong titingnan ang iyong mga mata
Ikaw at ako sa hirap at ginhawa laging magkasama
Kaya naman ating mga anak minahal inaruga
Upang kanilang makamit buhay puno nang pag asa
May sariling pamilya na sila balik tayo sa dalawa.

Sa hirap at ginhawa naitaguyod mga anak
Mga kulubot sa nuo at pisngi ang tatak
Maliliit na mga apo dulot tuwa at halakhak
At tuwi kong titingnang ang iyong mga mata
Ningning nang kaligayahan aking nakikita

Ngayon mata moy nakapikit ikaw ay wala na
Hindi ko na makikita kislap nang iyong mga mata
Lungkot sa nanlalabo kong paningin may luha
Anag ag nang makulay na lumipas aking nakikita
Ngunit ngiti ko ay malungkot dahil ikaw ay wala

Noon panyo ay gamit sa pagpunas nang pawis
Ngayon panyo ay gamit sa luhang dumadalisdis
Nang ikaw ay mawala akoy nawalan nang bagwis
Ngayon ayaw ko nang lumipad dahil walang kaparis
Lapis at papel kapiling ko sa paghihinagpis

Sadyang ang daloy nang luha ay nagpupumilit
Bakit ang aking dibdib ay unti unting nagsisikip
Akoy sadyang pagod na matay nais ko nang ipikit
Ikaw kaya ay makita ko sa aking mga panaginip
Gunita ng kasaysayan lumipas masayang bumabalik





Lupang mindano

ako'y isinilang sa lupang mindanao

nagulat sa mundong magulo ang tanao

nagpapatayan, pilipino laban sa pilipino

ano bang dahilan at may kaguluhan ganito


maraming katanungan naglalaro sa isipan

kaylan magwawakas ang ganitong kaguluhan

paano ang taong bayan walang katahimikan

napipilitan iwanan kanilang tahanan


maawa tayo sa kinabukasan nang kabataan

huwag silang gawin sangkalan O dahilan

sa digmaan malayo ang katotohanan

kaya hindi makamit mithing kapayapaan


ako'y nananawagan at humihingi nang tulong

magsama-sama dumalangin sa panginoon

magkaisang lahat at magtulong-tulong

magmahalan magbigayan magkaunawaan


itong aking tula ay inihahandog ko

sa aking bayan at sa buong mundo

sa pag-isang bisig may tuwa sa puso mo

ituwid ang ngayon nang hindi mapaso


ito'y kailangan sa tunay na katahimikan

dapat magkasundo sa pag-unlad nang bayan

rebelde, gobyerno, simbahan hanapin daan

upang mahinto itong labanan sa mindanao

Isang dangkal na hukay

ang isang dangkal na hukay
kayang magbigay nang buhay
ginto't pilak sa iyo ibibigay
huwag tamad gamitin ang kamay


mga binhi ilagay sa tamang hukay
ito'y alagaan mo nang mahusay
ang halaman sa init nang araw
diligin nang tubig papawi sa uhaw

Huwag kalilimutan

hayan na naman, hayan na naman ang tampalasan demonyo

sa gabi at araw ang laging hinahangad, ikaw matukso

upang sa itinayong kaharian ikaw maging miyembro

kasama ka sa parusang itinalaga sa impyerno


sa araw araw siya ay laging nakaabang sa iyo

hinaharana ka walang tigil mga sari-saring tukso

napakaraming nagsalimbayan sa paligid na bisyo

si satanas tuwang tuwa kung makita kang ikaw natiklo


pinagtatawanan ka mula ulo hanggang paa

hagikgik si satanas habang ikaw nagdurusa

gawa ni satanas ginaya, ano ang iyong napala

hindi ba sa bandang huli ikaw ang naging kawawa


kaibigan mapalad ka, si Jesus ikaw tutulungan

kasalanan nagawa ihingi nang kapatawaran

taas nuong tanggapin iginawad na kaparusahan

si Kristo Hesus, sa iyong puso ikaw sasamahan


damdamin mo at diwa nasa loob man nang piitan

magiging payapa hanggang sa araw nang kalayaan

sa [agtanggap kay Kristo Hesus may matutuklasan

bagong silang ka sa bagong pakikipagsapalaran


sa iyong isip si satanas nararapat nang walisin

dahil iyong nalaman buhay mo'y kanyang guguluhin

mahirap man buhay sa lupa langit iyong mararating

huwag kalilimutan araw-araw manalangin

Wednesday, January 28, 2009

Kahapon alaala

ang nabubuhay sa alaala ay walang darating na umaga
ilgay sa isang tabi ang mga talata nang kahapon alaala
harapin ang buhay upang kahapon ay hindi maging aba
huwag kalilimutan buhay puno nang pag-asa kung nakikibaka

Malupit sa kapaligiran



ibon may ay nalulungkot natutuwa kung minsan
tulad ng tao may damdamin din nasasaaktan
parang isang ina labis ang kaligayahan
kapag kanyang mga twiiit twiiit ay nasisiyaha

ngunit ang tao ay sadyang malupit sa kapaligiranpag
putol punon kahoy walang pakundangan
pugad sa puno sa mgatwiiit twiiit ay tahanan
akong ibon ina'y lumuha sa mga nasaksihan

mga inakay kong liyag hindi na masilayan
malungkot akong lumipad hapis di mapantayan
sa taas ng lipad hanap lunas sa kalungkutan
ibon man man marunong magdamdam kung masaktan

nilalang ng diyos ang mga puno sa kagubatan
kasama kaming mga ibon doon nanirahan
mga punong pangkalikasan siya namin tirahan
bakit pinutol ng tao ng walang pakundangan


sana si kalikasan ay mabuhos nang ulan
walang humpay buong gabi at maghapunan
at pagbumaha sa nakalbong kagubatan
baha rin sa tirahan ng tao sa pamayanan

ang pagbaha sa cotabato at bagongbayan
bunga ito sa gawang pagkalbo sa kagubatan
kung hindi nagpabaya gobyerno at simbahan
hindi daranasin mga pagbaha sa kapatagan

kailangan bang danasin hagupit nang kalikasan
bago pagsisihan nang tao ang mga kapabayaan
dumating na ang panahon nararapat pakaiwasan
pagputol ng kahoy sa kagubatan kabundukan

kaming mga ibon ay inyo ng pawalan
pagkakulong sa hawla ng kalungkutan
sa paglaya, sana kagubatan ay pangalagaan
ibon at tao liligaya muli kahit saan




Lito

May isang bata ang pangalan ay Lito
Laging may katanungan kitang matalino
Bakit aming bakuran wala man lang puno
Punong langka masarap ang prutas nito

Bakit si nanay at tatay ay walang tanim
Puno ng bayabas na aking aakyatin
Ang bunga nito masustansya pag kinain
Bitaminang taglay dulot ay lakas sa atin

Si Lito lagi ang tingin sa kabundukan
Kanyang napansin ang kalbong kapaligiran
Galing sa maitim na ulap malakas na ulan
Umabot hanggang baywang tubig sa bakuran

Si Lito napasyal sa kangyang Lolo Endo
Ang bahay napakalaki para itong palasyo
Kanyang lolo tinanong bakit bundok nakalbo
Nalaman kasama ang lolo nagtumba ng troso

Nagsisisi si lolo sa kanyang mga ginawa
Mga pang aabuso sa kalikasan kita sa bintana
Ang kanya ngayong mga apo siyang kawawa
El Ninyo La ninya sumira sa buhay na sagana

Monday, January 26, 2009

NAGLALAKAD SA PAGTULOG

Ang aking tula

Ang aking tula isang malumanay na indayog ng duyan
Nagpapahinto nagpapatulog sa batang ayaw tumahan
Mga indayog ng mga piniling kataga sa diwang nabalutan
Inaantok naghihintay ng ningning sa kinabukasan

Nakalutang sa damo mga lagas dahon ng kahapon
Mula sa matikas na punong kahoy mayabong mga dahon
Hindi akalain sa lakas ng hangin tumumbalintong
Ang akin tula ng mga pangarap saan kaya hahantong

Aliw-iw ng kawayan sa tumana sa dinig isang tula
Tula ko`y nagmula sa hardin bulaklak dibdib ng dalaga
Twiiit twiiit ng mga ibong inakay padyak ng batang lumuluha
Sa bigkis ng kabiguan ng kahapon nais kong makawala

Sa naghihinagpis kong damdamin isinilang isang tula
Ang aking tula nagtatanong sa isang katotohanan nawala
Nakita sa brutsa ng isang pintor ang guhit patuloy lumuluha
Sa paleta sasayaw ang mga kulay ng pinturang may tula

Ang aking mga tula ay maraming pinagmulan
Kaya kahit sa pagtulog tumutula ang kaisipan
Kung iyong marinig mabasa tulang pinagpaguran
Ang ligaya`y sa akin kung kayo`y nasiyahan

Sunday, January 25, 2009

Ano ang gagawin

Minsan akoy umibig sa iyo
Subalit nagawang iwanan ako
Hinanap ka sa maraming dako
Nasaan ka sinta akoy natiis mo

Kaytagal puso koy naging ulila
Ang magmahal sadyang ayaw ko na
Hindi na ako kailan man iibig pa
Tama na ang pab ibig kong kaisaisa

Ngunit hindi ko talaga akalain
Isang umaga akoy biglang nagising
Bagong pag ibig ang siyang kapiling
Higit sa iyo kung aking ihahambing

Isang umaga bigla kang dumating
Yuko ang ulo hindi makatingin
Hiya at pagsisisi ang ipinakita sa akin
Una kang pag ibig una kang nakapiling

Ano ang nararapat kong gagawin
Siya ba ay aking patatawarin
Siya ba ay aking kukupkupin
Siya ba ay muling mamahalin

Aking biyanan

Noon ako ay dalaga pa at nililigawan
Nang binatang akin naman napusoan
Aking napansin aking magiging biyanan
Mukhang ayaw nila akong maging manugang

Ngunit binatang sadyang sa akin ay umiibig
Pag-ayaw nila sa akin hindi naging balakid
Hindi nagtagal kamiy pinag isang dibdib
Handang harapin mga pagsubok na sasapit

Itong aking biyanan magulang ko narin
Tinatanggap ko hindi iba kaya aking mamahalin
Ngunit puso nila at damdamin inilayo sa akin
Gayon paman kanilang pagpuna aking tatanggapin

Isang bagay lamang hindi kayang tiisin
Ang siraan ako storyang hindi magaling
Masnararapat na akoy kanilang unawain
Apo nila aking mga anak dapat nilang mahalin

Ano kaya ang nararapat kong gawin
Upang itong aking biyanan akoy tanggapin
Isang malaking palaisipan nais kong tuklasin
Kasagutan dito dulot ay ligaya lahat sa amin.
Four monhts more and I WILL BE SIXTY FIVE YEARS, I am so excited waiting for the event, not everybody is given this opportunity by our creator to serve this long. As a human being GOD is giving me all the opportunity to serve HIM the best way I can.

Friday, January 23, 2009

Kailangan bang Kalimutan?

Kailangan bang kalimutan ang nakaraan?
Ang nakaraan puno ng paghahanap sa kailan
Kailan nga ba tayo naglaro sa ulan?
Ang ulan ang patak sa mukha at katawan
Katawan lumulukso tumatakbo sa daan
Sa daan kita ko sa iyong mukha ang kasiyahan.

Kailangan bang kalimutan ang nakaraan?
Ang nakaraan ikaw ang kasama sa damuhan
Sa damuhan kulay berde kahit saan
Kahit saan tayo maglaro ligaya nararamdaman
Nararamdaman kasiyahan sa dibdib ng kamusmusan
Kamusmusan sa mata iyong mapagmamasdan

Kailangan bang kalimutan ang nakaraan?
Ang nakaraan ating magulang tayo ay kinagagalitan
Kinagagalitan dahil hindi pumasok sa paaralan
Paaralan nagbibigay nagtuturo ng mga kaalaman
Kaalaman para gamitin sa pagtahak sa gitgitan daan
Gitgitan daan ng buhay na daranasin sa kinabukasan.