Tuesday, March 31, 2009

Ako'y nabwisit

Ako’y nabwisit
kusinerong makulit
mayron kapalit

mayron kapalit
bakit parang nagalit
sa huling bubwit

sa huling bubwit
ginawa itong binwit
pusa nanungkit

pusa nanungkit
dali ulam na pancit
plato lang takip

plato lang takip
ano iyong inisip
magluto ulit

magluto ulit
sa apoy na marikit
kawali ang gamit

kawali ang gamit
ako'y gutom na bakit
ako'y nabwisit


Friday, March 27, 2009

1957

1957 ako ay nagtapos sa elementarya
sa bayan nang bongabon nueva ecija
nagbalik sa aking magandang alaala
mga pinagdaanan panahon sa eskwela

isang batang babae kimpal sa isipan
matalino siya napiling valedictorian
mula grade one kasama sa eskwelahan
ngunit hindi nakausap kahit minsan

isang bagay lamang, aking natandaan
aking napansin, kaya aking iniwasan
kilos panalita ay may kasupladahan
panahon lumipas nadikit parin isipan

1957 ako'y nagtapos sa elementarya
mga kasuutan damit wala kahit isa
masabing akin talaga, lahat ito luma
sapatos, pantalon at polo panloob wala

dahop sa kasuotan, kaalaman nadagdagan
ako'y masayang umuwi agad nang tahanan
may arroz-caldong naghintay sa tahanan
sa pasukan doon ako mataas na paaralan

ang tungkol sa batang valedictorian
ano nangyari, sa sunod na lang tulaan

Tuesday, March 24, 2009

Tawag pansin

seksing babae natitigan
wow wow hubog ng katawan
dibdib sarap na banlawan
aking sasabunin sa liguan

napansin mo rin ang hinangaan
mata mo siya ay sinusundan
hanggang lumiko kantong daan
tayo sa bahay akoy handaan

ikaw mismo iyong napansin
seksing dilag iyong tingin
ako pa na isang palahangain
nakita'y nakatawag ng pansin

ang humanga ay hindi masama
sa katulad mong angkin ganda
sa paningin koy nakahahalina
sampal huwag ilapat sa mukha

Monday, March 23, 2009

Kaluluwa ng lipunan

Kaluluwa ng lipunan

may 13 pantig

tunay kaysarap mabuhay sa saring bayan,
kahit na may busabos at api-apihan.
mga puso at damdamin na pinaglaruan
kaming mga biktima ng kapalaluan

hindi nawala pagasa pagsumikapan
makaahon sa hirap na kinasadlakan
mga nakaunawa kami'y tutulungan
makaakyat sa hagdan-hagdan ng lipunan

saan bansa busabos at api ay wala.
maging sa sementeryo, ang matang may luha
busabos at api di kayang maitatwa
lipunan bahagi, siya ang kaluluwa

darating ang pagpanaw nating sa mundo
hindi mapigilan sa ayaw mo at gusto
sa langit sigurado kita-kita tayo
doon ay masayang makinig sa tula mo



Pagmamahal sa bayan

ang pagmamahal sa bayan, may kanya kanyang antas
may kanya kanyang pamaraan kung paano maihahayag.
wala itong sukatan ng katayuan sa buhay. maging
siya’y mayaman o pulubi sa lansangan. ang pagma-
mahal sa bayan ay nadudungisan lamang nang labis
na pag-iimbot sa salapi at kayamanan na siyang
tuluyan sumisira sa damdamin nagmamahal sa bayan.

niyuyurakan ang karapatan at pagkakataon nang kapwa
na makaangat sa kinatatayuan antas sa lipunan. ang
mga magnanakaw ay nagmamahal din sa bayan, katulad
nang mga sinungaling na pilit tinatakpan ang mga
katotohanan huwag lamang mabunyag pagiging gahaman
sa salapi at kayamanan, lalo na at ito ay galing sa
kabanbayan.

lahat ng pilipino ay nagmamahal sa kangyang bayan
pinagmulan. ito ay damdamin hindi dapat pasubalian,
kahit na gaano kataas antas ng pinag-aralan.

Friday, March 20, 2009

balatkayo-sinungaling

huwag ng ipagtangol yang kamalian
puso't isip puno kasinungalingan
titig nangangalit nagaapoy naman
dilang talim ulila katotohanan

naging alipin, sa iyo'y nagmamahal
umaga'y abutin, maghintay matagal
orasan mahinay, pagdating mabagal
kailangan pa bang, hintayin pagdatal

akong babaing iyong pinakasalan
sumpang mamahalin walang katapusan
ngayo'y aminin may ibang kasintahan
hawak ko ang kailangan katibayan

balatkayo mong galit iyong tigilan
sa husgado nalang don maintindihan

Salot sa bahay

maingat lumakad, ng ikaw lumisan
natutulog tahimik sa sambahayan
walang karapatan sa bahay magtagal
lahat ng gusto kailangan tinangal

kabahayan sa pangyayari narindi
bakas mga anino, nagdaan gabi
tanon, saan ikaw ngayon hahanapin?
sa makakita, binigyan tagubilin

isip, damdaming dapat lagi may sukat
maling tiwala, darating ang katapat
patuloy kayod, palitan ang tinangay
salamat, walang nasaktan kasambahay

palagi, bintana pintuan sarahan
iyan magnanakaw, salot kabuhayan.

Ano ang kasalanan

hubog ng labi kay tamis kung halikan
nulas, katagang ako'y kinamuhian
tanging ikaw lamang sa puso, nanahan
ngayon, puso nasa abang kalagayan

sa iyong damdamin, awa naramdaman
wika'y lumambot, ng di ako masaktan
ang isipan ko ngayon, naguguluhan
unawa humingi ka, pagpasensyahan

wikang banayad ay naging kagamutan
inalis ang sakit, parang nagdahilan
ano ang dahilan, biglang nagkaganyan
walang nalaman nagawang kasalanan

hindi ba iyan condom, ikaw nagalis
bigay sarap, resulta, ikaw nabuntis

Tapat na lukaret

ako'y alipin ng iyong pagmamahal
hintay orasan, sa dating na matagal
buong maghapon, wala naman gagawin
maliban kung mayroon kang tagubilin

hindi magalit sa mabagal na oras
maghintay araw gabi, bintanang kupas
puso walang pait, ikaw nagpaalam
isip kong bagabag, nagtanong nasaan

nasaan ka, anong iyong ginagawa
alipin ng pagibig di manghinawa
pagdudahan walang puwang sa isipan
iyong ligid tuwa, lahat kaibigan

akong tapat na lukaret naghihintay
tuwina, sa dakong pintuan, nagbantay

Wednesday, March 18, 2009

Kawayan mabilis

Lahat nais magandang likha patuloy manatili
Rosas punong kahoy manok ibon isda gulay sili
Kapaligiran laging maganda huwag atubili
Pagyao nang matanda mga iniwan may silbi

Pursigido lalong dapat kapaligiran pagandahin
Bagong pananaw sa araw buwan lupa ay gamitin
Pag-aralan maigi mga hakbang pamaraan gagawin
Teknolohiya ngayon panahon malaking tulong sa atin

krisis pangkabuhayan narito, bayan may hikahos
ayuda galing palasyo, gamitin tumpak maayos
kasakiman sa salapi, kinabukasan mawala sa agos
pamana alagaan ipagsangalang sa mga daraan unos

sa kabataan iniwan pamana, paligid na malusog
pagyamanin, huwag makasarili bayan gawin busog
mga turista sa bayan ni juan dadalaw may lugod
tanawin makita bigay kasiyahan inalis ang pagod

kapaligiran malinis puso isipan ngiting matamis
namayapa man si impo at ingkong walang tangis
kanilang napasimulan ituloy musika lawiswis
turistang paa may lukso sayaw kawayan mabilis.





Monday, March 16, 2009

Init nang kape

pagkasala naganap sa pusong naghanap
sa mahabang panahon pinagsamang ganap
ang pagmamahalan puno ng paglingap
love birds sa umaga at buong magdamag

at naging pabaya sa bulaklak na pinutos
una'y laging bango sinasamyong may haplos
sa aking paningi'y parang sayaw ang pagkilos
sa hakbang ng paa at indak na malamyos

ang tinimplang kape'y pipuno mo ng tamis
rosas naghain pagkain walang napanis
malugod na bubuyog pinaghainay nilinis
tulunga't bigayan araw ay di lumihis

ang masayang araw waring walang katapusan
yayo'y magkabalikat sa gawang pangkinabukasan
handang kalasag na magamit sa tampalasan
sa binubuong pangarap na tangka'y kunin buksan

maligayang lumipas panahon hagibis
pagkain sa mesa bakit laging panis
pag-uwi ng bubuyog lamesa'y iniipis
bulaklak walang ayos pabaya nakakainis

sino maysala sa nangyaring kataksilan
babae O lalaki siyang dapat parusahan
nasaan ang mga yakap at halik na pinagsaluhan
init at tamis ng kape'y nawalang tuluyan.

Graduate na

mapalad ang matanda buhay masaya
pinaghandaan panahon ng pagtanda
noon kabataan hindi naging pabaya
kaya ngayon damdamin puno sa tuwa

pagtanda ay hindi dapat katakutan
biyayang ipinagkaloob pasalamatan
suklian kabutihan sa nangangailangan
unawa malawak kahit may kapintasan

kumalog man baba huwag lang diwa
magandang nilalang sa balat ng lupa
kulubot sa pisngi't nuo tunay magara
tanda sa panahon landas nakibaka

maraming mga pangarap anak inuna
kinabukasan pinag-ipunan inihanda
ginawang haligi pundasyon simula
pag-aaral itinaguyod puso'y tuwa

busog sa pangaral matibay kultura
magalang sa matanda maging sa kapwa
mga anak binigyan magandang simula
handog sa paanan ama't ina diploma

sa matibay na simula kahit tumanda
ang panahon lilipas bakas sa mukha
ikaw igagalang dahil binigyan halaga
si impo ingkong pinagpala garaduate na


Sunday, March 15, 2009

Magkaibigan kami

mahalin ang kaibigan, nararapat
kaibigan nakakaunawa sa bigat
mga problema mong kinakaharap
siya ang katuwang sa tinatahak

narapat din kaibigan kilalanin
kaibigan, hindi narapat tuksuhin
huwag siyang gawin sawang bitin
sawang bitin kaya kang lingkisin

ingatan ang relasyon madungisan
bawat damdamin alaga kailangan
ibigay pinakamataas na pitagan
ganyan ang tunay na magkaibigan

sa haba ng mga landas na tinahak
madalas kasama lungkot halakhak
balakid sa pangarap kasang hinarap
walang iwanan, titig walang kurap

unti-unti sa damdamin, nagtatanong
wala ang kaibigan saan siya naroon
pakiramdam malungkot saan hantong
bakit balisa isip puso ano mayroon

matagal nang napansin aking sarili
sa damdamin sa gabi hindi mapakali
ako ba'y umiibig sa kanya? atubili
ang puso, dahil magkaibigan kami

Saturday, March 14, 2009

Number 2= panakip butas

siyay minahal mo nang walang pasubali
ano at ngayon malabis hinging kandili
umpisa pa lang alam mong hindi sarili
pagmamahal niya bakit umamot sumali

kabilang ka ngayon sa mga pusong sugatan
panahon lamang ang makabigay kagamutan
pusong umamot kahit kaunting kaligayahan
kahit maliit tanggapin handog na nakayanan

alisin na mga himutok sa iyong kalooban
tanggapin maluwag sa puso at sa kaisipan
siyay hindi magiging sarili kailan man
kanyang amot na pagmamahal alagaan

huwag labis na mag-alaala, sarili di mo bayaan
iyong palad, huli kang dumating, alam mo yan
pagmamahal kahit anong gawin hindi mapigilan
ikaw patuloy na magmamahal, pakatandaan





Friday, March 13, 2009

The endpoint

mans life is compost of so many chapter
everyendpoint is the freedom to start
a new one. new chaper new hope. the
endpoint giving way to another chapter

life is beautifull, you know not what
will come next. full of suspense, in
laughter and tears. its like watching
movies, you'r excited. its thrilling

but now you'r the writer. the plot
of the story lies in your decisions.
you, the actor executing the sequence
as directed by you being the director

the writer, actor and the director all in one
influence by the settings and the layout
supported by people arround him. acting
reacting, mans life goes on and on on

Wednesday, March 11, 2009

nagtapos ako

1957 nagtapos ako ng elementarya sa bongabon central elementary school. validictorian ang batang babae na tumawag nang aking pansin sa murang kaisdipan. may tuwa akong nararamdaman kapag siya ay pinagmamasdan. ang pagkabwisit ay hindi maiwasan dahil sa inaakala kong kanyang kayabangan. ang batang babaing ito ay hindi ko nakausap kahit na kami ay magkaeskwela. pagkatapos ng klase sa hapon ay kailangan umuwi na sa bahay, na siyang utos at kabilibilinan ni inang.

ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay isang maybahay lamang. ang mga magulang ko ay may tindahan sa pamilihan bayan ng bongabon. kung paano sila nagkaroon nang puwesto sa pamilihan bayan ay nalaman ko sa pamamagitan nang tahimik na pakikinig sa kuwento nang aking mga magulang kapag mayroon silang panauhin o bisita.

mayroon daw silang sampong sakong palay, kung saan ito galing ay hindi binanggit--siguro bigay nang aming lolo. .pinag-usapan nila ng akin ina kung ano ang marapat gawin. sabi nang aking ama, ang sampong sako nang palay pagdating nang disyembre ay siguradong ubos sa pagkain, ano kaya't magtinda ka sa palengke, igawa kita ng lamesa na paglagyan mo ng iyong mga paninda. sa madaling salita, nagtinda si ina sa palengke at si ama ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang karpintero. sa suweldo ni ama kukunin ang lahat nang pangangailangan. ang kita nang maliit na tindahan ay hindi gagalawin kahit na isang sentimo. hindi naiwasan na si ama ay pasumandaling naiwanan bantay nang mga paninda. dumating si ina at kita niya ang kamay ni ama na padukot nang kendi si ama sa garapon na kaagad naman binawalan ni ina. walang bawas ang kita at paninda ni ina. dumating ang disyembre ang lamesa ni ina ay naging dalawa at dumami pa mga paninda. patuloy itong lumaki at kinilala na isang nagtatagumpay na negosyante sa pamilihan bayan nang bongabon. si ama ay tumigil na sa pagkakarpintero'

1956 pumunta si ama sa mindanao upang alamin kung ano mayroon sa mindanao. 1958 lahat nang paninda kasama ang mga puwesto ay ibenenta at ang pamilya ay tumulak sa mindanao para sa isang pangarap na inaasam. buwan ng abril nang dumating sa dadiangas at tumuloy sa marbel buwan ng mayo. nagtayo nang isang panaderya ang aking ama.

ako ay katorse anyos second year high school sa pasukan nang taon 1958. na enroll ako sa notre dame of marbel boys department na ngayon ay isa nang universidad. nagtapos ako nang high school taon 1961. napunta ako nang maynila at kumuha nang kursong business administration na siyang gusto nang aking mga magulang. salungat sa nais kong kunin na agriculture.

sa universidad, may isa akong professor na nagbigay nang isang pahayag katanungan. " kayo ay narito sa maynila upang mag-aral. tinutustusan kayo ng inyong mga magulang upang makatapos sa inyong pag-aaral. kaya ba nyong mag-graduate sa kursong iyong kinuha? kung hindi nyo kaya, ano ang ginagawa nyo dito sa maynila? inaaksaya nyo ang inyong panahon, ang panahon nang inyong magulang. ang pera na kanilang ipinapadala ay mawalan nang saysay dahil hindi nyo maiuuwi ang diplomang inaasam nang inyong magulang. ang masabi ko sa inyo at bilang payo. hindi mo kayang tapusin ang iyong pag-aaral umuwi ka sa inyo at umpisahan mo nang kumita nang pera at mag-ipon upang nang sa ganoon ang mga naiwanan dito ay magkaroon nang trabahong mapapasukan pag sila ay nakatapos na. mauna na kayo sa pagkita nang pera kaya umuwi na kayo at magsimula"

not the exact words but the essence is living in my memory. i buy books i need, the titles are: small business; advertising and economics. sakay ng eroplano umuwi ako sa marbel at tumulong sa panaderya nang aking magulang. ako'y muling bumalik sa maynila upang mag-aral nang makabagong sestema nang paggawa nang mga masasarap na uri nang tinapay. ito ay natapos ko at ito ang nagpabago nang takbo nang aking buhay. napakahalaga na mayroon kang pinag-aralan at ito ay nagamit mo sa iyong buhay upang makapaglingkod ka sa iyong bayan.

ang tungkol sa batang babae ay sa susunod na kabanata

Tuesday, March 10, 2009

Tindera naging kahera

isang araw kasama ang barkada
pumasok sa restauran eskinita
aking nakita tenderang maganda
tapos kolehiyo maganda ang mata
simple lamang ngunit nakapustura
dibdib kumabog ako ay nagayuma

tinderay lumapit sa aking ang tingin
nakangiti mukhang ako ay napansin
ano kaya ang aking o-orderin
upang siyay tunay humanga sa akin
sigarilyo, beer, BBQ, O fried chicken
mata ko'y walang kurap, nakita bituin

sa kanyang paglapit ang unang nasambit
paboritong baka, maasim na papait
kaysarap ng luto ang bayad sadyang sulit
tunay sa restauran ako'y magbalik-balik
hanggang ang kaherang itinibok ng dibdib
sa aking panunuyo siya'y mapa-ibig

Monday, March 9, 2009

Asin at lugaw

mahal kong anak kahit hirap, itinaguyod

iyong paaaral. kinabukasan mo nagbunsod

sa amin nang iyong ina, ngayon may lugod

nakatapos ka, bunga ng aming hirap pagod


anak iyong pakaingatan mga natutuhan

gamitin wasto upang lalong pakinabangan

may kalasag magamit laban sa kahirapan

mga kakaharapin pakikipagsapalaran


kami nang iyong ina umaasa aming apo

labis na pagdarahop sa kanyay malayo

sa handa namin lugaw at asin matoto

kami ang lugaw asin sa kinabukasan mo


ngayon palang magsisimula kinabukasan

mga paghahanda tagumpay mong nalampasan

dampa nang magulang pag-asang mapalitan

asin at lugaw dindi maaring kalimutan


kaya asin nilugaw ikahiya di dapat

ano ang nakakahiya sa asin at lugaw

dahil sa asin at lugaw kuha tagumpay

magulang tuwa, anak tapos sa pag-aaral



Sunday, March 8, 2009

hapunan

latang katawan
walang tanim na ulam
pinggan kalawang

halik

masayang halik
lumipad dala'y hapis
pipit nagsayaw

okey ka

okey ka jose
talo mo ang mabagal
pagong at matsing

politiko

pag politiko
pangako ay pag-unlad
hirap nang buhay
Publish Post

Friday, March 6, 2009

ooooh pinoy

ooooh pinoy tunay marami kang kaibigan
sa taglay na kabaitan, pinagsamantalahan
hindi mo ipinagkait ang mga nalalaman
sa dayuhan kaibigan lahat ipinaalam

mga nalalaman mo, dayuhan kaibigan ang gumawa
higit mahusay sa yong turo, sa kanya may tuwa
ikaw ang bibili, produkto galing kanyang bansa
sa iyong kapabayaan, ikaw umani nang pagkadukha

sa kagipitan naranasan, kaibigan nilapitan
humingi nang tulong, kaibigan pautang na man diyan
sa kagipitan, kontrata kondisyones pinirmahan
pambayad utang, malaking bahagi nang kaban bayan

ang bayan ni juan, kailan magising sa katotohanan
yaman natural nang bansa, pakinabang ay kailan
oh aking bayan, kailan pa magliwanag ang karimlan
bayan ni juan kailan ka magkaroon nang katatagan?

pag-asenso sariling tiwala kailangan
tayo'y magtulungan samahan nang kasipagan
bayan ni juan huwag iwalay sa isipan
tagumpay kamtin puso isipan kabuhayan

Sa pagtula binuksan

sa pagtula, hirap na damdami'y binuksan
naihayag ang kalooban nagdaramdam
ang gobyernong namahala sa kaban bayan
bakit nalubog bansa sa malaking utang

utang napakalaki hindi mabayaran
sari-saring dahilan ikinakatwiran
isa lang maliwanag sa bayan ni juan
tambak ang utang, kulang mga pagkakitaan

sa ngayon katayuan, bakit bayan ni juan
nagtuturuan sa kung sino may kasalanan
bawat isa tumingin salamin kailangan
pinagsama-samang kamalian ang dahilan

panahon na upang si juan magbago
kung nais makamit pangarap pag-asenso
politiko'y suriin, kilos at pangako
mga nagnais siyang magpalakad gobyerno

bayan ni juan gumising at pakasuriin
mga nangyayaring kalakaran dito sa atin
suno-sunod pahirap kaya bang balikatin
sa eleksyon, mga sinungaling dapat tanggalin

Thursday, March 5, 2009

Balik-tipon [class reunion]

Sa high school tayo ay magkaeskwela
Ang barkada kapag nagkasamasama
Bawat isa may halakhak tumatawa
Kita sa bawat mukha masigla masaya

Pagkatapos ng graduation lahat nagkasundo
Muling magdikit palad matapos limang Mayo
May napunta sa Maynila sa Cagayan de Oro
Lahat nangangarap makatapos ng kurso

Sa Koronadal marami ang nagsipag aral
Notre Dame College ang magiging patnubay
Upang makamit hangad na katalinuhan
Gagamitin upan pakinabangan ng bayan

Natapos ang limang taon tayoy nagkitakita
Sa ating reunion ginanap malapit sa plaza
Mga kaibigan mga barkada lahat may tawa
Dahil muling nagkalapit mga damdamin bata

Matulin lumipas humahagibis na panahon
Maraming kasama hindi na alam saan naroroon
Napunta ng America Canada Malaysia Hongkong
Hangarin magandang buhay pangarap pa noon

Marami nang namaalam sa mundong ibabaw
Kanilang mga ngiti halakhak sa dilim ay tanglaw
Ngunit hindi na marinig Makita kahit may ilaw
Silay pumaroon patungo sa bagong balintataw

Tayong naiwanan patuloy takbo ng buhay
Pagsumikapan dinaraanan lalong maging makulay
Dahil bawat isa ay yugto nang magandang pakay
Salamat Panginoon Diyos saiyong patnubay

Monday, March 2, 2009

Luha

luha sa mata
ang gamot maginhawa
sakit nadama

Bakit

bakit nadapa
sa pusali napunta
guhong pangarap