Monday, April 13, 2009
Pen Name
Willing to learn as I go on
Writing poems and articles
Maybe some prose later on
Using pen-name I will not
Having no intention hurting
Politician government or what
Thou maybe some line do sting
Am not ashame or in time afraid
On the contents of my writing
My emotions fantasies will tread
Words will just continue flowing
Am a rebel on the open space for change
that maybe my writings may awaken
new line of thinking on interchange
will not hide even at times heart is broken
Pen-name is the camouflage use to hide
Taking no response, openly finger pointing
Devoid of full joy for the success he made
Pen-name is not a language for my writings
Sapat na iyong dibdib
kambal na bundok mayon, ang humalina.
binalutan ng damit, bagay sa isang reyna.
daan sa kaharian, makikita sa bukana.
sa paglakad, para itong umiindayog.
alon sa dagat, sa balsa’y yumugyog.
nais abutin, haplusin papayang hinog.
himlayan ng sangol, kanyang pagtulog.
iyan iyong dibdib, ang nagbigay buhay.
sa naghingalong pagasa, puno ng lumbay.
iyong puso mapili, nais abutin ng kamay.
mga ngiti kahali-halina, tayo’y umimbay.
ngayon gabi, sa bundok ako manahan.
ang tanglaw, bituin at liwanag ng buwan.
sa awit at kasiyahan, kiliti naramdaman.
sa malusog mong dibdib, tungo sa batisan.
sa batis ikaw magingat, dahil ito’y madulas.
ingatan mahulog, sa pampang na tumutulas.
mga damo sa paligid, hawiin walang kupas.
umaalon ang dibdib, sa lindol kumukumpas.
Anong dapat gawin
hindi pa ako isinisilang iyan na ang madalas na katanungan
na magpahangga ngayon ay wala pang tamang kasagutan.
lupain ay hindi lumalaki papulasyon ay dumarami kaya kinukulang
gintong butil na ani.
gobyerno'y huwag sisihin dahil ikaw ang pumili nito. kapwa mo ay ikaw rin kaya hindi dapat pagawayan sa kung sino maysala.
hanggang ang kadena sa pagkakaisa ay putol-putol at ang mga punto laman mensahe sa mga tula ay nilumot na, hindi tayo makakaahon.
ang kailangan ngayon ay hindi lupang mabubungkal o dagdag na ektaryang aararuhin ng matanda ng kalabaw at hikain.
ang kailangan natin ay hindi bala o bomba. at hindi rin lupa.
pinagsumikapan mapagtapos mga anak hindi para bumalik sa lupa. Ang kailangan ay trabaho…trabaho at trabaho na may desenteng suweldo.
the farmers was freed from the bondage of tenancy but never from the bondage of the soil he tills. it makes my heart cries, tears flowing from my eyes. what can i do, what can you do to escape from this prison.
no, i will not escape from this prison for it will make me only hide from my sorrows and failures. i will try to earn the gate of freedom by satisfying my needs and setting away my wants.
i will not buy pepsi or coke or whatever drinks. Multi-global companies does not reinvest back enough profits to accelerate the progress of our country. i will drink water to quinch my thirst. Water is better for our health to avoid kidney ailments or urinary tract infection. will not visit jollibee or mcdonald to eat fried chicken or french fries. i will raised my on fried chicken and camote fries. lots of things to be done to earn my freedom. I am a farmer, I will raise my foods for my family.
to earn our freedom from the bondage of the soil, we don't need bullets explosives or another piece of land to till. what we need and what we want is decent job that gives decent salaries.
So then, my beloved son and daughter will not go back to till the land. Let me till the land. I am a farmer
and is always happy to raise the golden grain, but no longer with the carabao.
Saturday, April 11, 2009
Ako'y malungkot
walang bubuyog o paroparong humahaplos
tulad sa isang manyika sa sulok
walang nagalaga,gusot damit at buhok
tulad ng bola, sa basketball court
walang dumampot, para ma-export.
tulad sa dungisan tutang gumagala
walang sa kanyay pumulot magalaga.
.
tulad sa paghintay, sa isang pangako
katuparan ay wala, dahil itoy napako
tulad sa halaman naghintay sa ulan
lupaypay ang mga dahon, sa matinding uhaw
tulad sa isang bata, gustong tumakbo maglaro.
hindi magawa, dahil walang mga kalaro.
ako'y maaa..luuung..koooot.....
ngunit pagdumating na programang WOWOWEE.......
HA HA HA HA ...WOWOWEE NA, sabay indak ang mga paa.
Friday, April 10, 2009
ACROSTIC:: Pagibig bakit sa langit
A-ng hanap ay ikaw, saan ka puntahan.
G-abi at araw, hindi ko alam ikaw nasaan.
I-kaw ang tinatawag, diwa at isipan.
B-akit kaya, hindi ka matagpuan.
I-lan panahon, ang matulin lumipas.
G-apok ang katawan, ikaw ay lumampas.
B-inayaan mo ako, sa kalungkutan.
A-ko na matagal, sa iyo'y naghintay.
K-ahit minsan, hindi ka dumalaw.
I-law kang sa akin, hindi tumanglaw.
T-apos na ang lahat, sa aking balintataw.
S-a langit, doon ikaw matatagpuan.
A-king puso, sa lupa iyong pinagkaitan.
L-alagi na, tayong magkaulayaw.
A-aminin ko, puso ngayon ikaw tanaw.
N-anabik sa liwanag, sikat ng araw.
G-abi'y lumipas na, ikaw ang tanglaw.
I-law ikaw, sa pusong hindi mapaparam.
T-ayong dalawa pala, ngayon aking alam.
=======================================
habang ako'y nakaupo pikit ang mata, hawak
ang lapis at papel, nagiisip biglang pasok
sa isipan katagang ACROSTIC na natunghayan
ko sa emanilapoetry. saan kaya ako makarating
kung aking subukan. bakit.........nakarating
sa langit?
Thursday, April 9, 2009
nagpayo: isang yumaong ina
nakamit diploma kahit ako'y wala
anak, diploma'y isabit sa tahanan
ilagay mo sa tabi, aking larawan.
ngayon aking anak, pawiin ang lungkot
punasan iyang luha, sa pisngi'y agos
gusto ko ikaw masayang nakatapos
gamitin upang hindi ka maging kapos.
maging masipag at laging nagiimpok
ilagay iyang barkada, isang sulok
huwag magasawa hanggang hindi tarok
pagaasawa tungkulin isang hamok
ang kiliti sa kamay at ugat huwag iyapos
kapagdaka sa babaing mga titig malamyos
iyan pagibig mo dapat ilagayng maayos
ito ay pundasyon para sa mga apong lubos
humayo ka anak at harapin iyong mundo
pagandahin pagyamanin higit sa ngayon mo
huwag kalimutan tumawag sa diyos na totoo
sige
na
anak
maligaya
ako
sa
kinalagyan
ko.
Sunday, April 5, 2009
bayani sa tahanan
maghapon sa putikan mga paa at kamay
masakit balakang gawa walang humpay
kailangan maitanim mga punlang palay
aalagaan hanggang maging gintong uhay
balik-balik ang takbo highway tinutugaygay
padyak kaybilis nilapitan ang nakitang kaway
sa dalan marami ang sa kanya’y naghihintay
maghapon kaway hatid pamatid ng lumbay
masipag na kargador sa palengke si mang ador
walang pinipiling buhatin maging aparador
inaabot ang dilim sa gawain sa north harbor
kayraming pasaherong naghintay sa sakyan bapor
si annabelle nagtitinda ng isda sa palengke
malakas ang kanyang benta kay may diskarte
maligaya ang bumibili sa kanya mga ale
may nagregalo sa kanya nang pagkain alupe
sa maghapon paglalakad iyong makikita basura
sa dalan nagkalat mga naglalakad ang may gawa
mga metro aid ang nagwawalis sila ay basurera
pinatili nila mga daan maging malinis maganda
patuloy ang padyak sa makina nang damit
tinatahi kappa at toga sa graduation gamit
diploma mahabang panahon pagsikap nakamit
handog sa ama at ina nagmahal nagpakasakit
siya’y magsasaka, drayber sa maghapon, kargador
tindera nang isda, metro aid basurera, isang mananahi
nagsikap nagtiis nagmahal sa mga supling nang pagibig
sa mga nagmahal na anak, sila’y bayani sa kanilang tahanan.
