Saturday, July 31, 2010

Nasaan ka

Sa alapaap ako’y may hinahanap

Isang babaing malaon g pinapangarap

Hanap dito hanap doon sige ang lakad

Tanging baon isang pagibig na tapat

Handang iyalay ng buong paglingap

Kailan kailan ko kaya makikita

Nang puso kong laging nangungulila

Ako’y nagtiis ng napakatagal na

Ang tanging nais makapiling ka sinta

Oh aking giliw ikaw sanay magpakita

Alam mo bang sa aking pagtulog

Kapiling sa magdamag ang lungkot

Na maging sa aking panaginip

Makita ka akoy sabik na sabik

Oras na lumipas sadyang nakakainip

Oh aking mahal sana akoy dinggin

Ang samo ng aking pusoy tanggapin

Umasa ka ikaw ay laging aaliwin

Sa araw araw tuwina ay paliligayahin

Daigdig ng pagibig magiging atin

Kay lungkot naman nitong sinapit

Sa buhay koy sadyang napakapait

Ng makita ka mata moy nakapikit

Nasaan kana ikaw na aking pagibig

Nasaan ka mahal ko akoy humihibik

Akoy pakinggan huwag mong iwaglit

Kung ikaw ay nandiriyan na sa langit

Akoy abangan hintayin aking pagsapit

Sa aking pagdating tayoy magsasamasama

Sa pugad na puno ng halakhak at saya

Sunday, March 28, 2010

kulog kidlat

kulog kidlat ikaw ay nasaan
halika't ako'y bigyan ng ulan
uhaw ang aking kapaligiran
nangulila na sana'y puntahan

mga damo na dati'y luntian
punong saging tuyot ang katawan
ikaw ngayon ang inaasahan
kulog kidlat ulan hwag pigilan

kulog kidlat ligaya ang dulot
bigay mong ulan sa dahon tuyot
sibol bagong pagasang bantulot
kalabaw di na nakasimangot

kulog kidlat isang kahilingan
itong ulan huwag pabayaan
na kami'y gawin lamang laruan
pangako aming kapaligiran
ngayo'y palaging aalagaan

Saturday, March 6, 2010

ang election at ikaw na botante

ang election ay hindi boxing, hindi ito karera sa tract & field hindi ito singing O dancing contest, hindi ito tele-novela, hindi ito intertainment show, hindi ito pa pogihan O pagandahan, hindi ito para sa bilyonaryo O milyonaryo lamang, hindi ito para sa mga nagtapos lamang ng koleheyo at nawalan ng galang at tuloy gustong alisan ng karapatan ang mga magulang na hindi nakatapos ng kolehiyo na nagsikap at nagtiis makatapos lamang ang anak na minamahal

ang pagboto ay isang karapatan at tungkulin ng bawat botante na nakasaad sa SALIGANG BATAS ng ating bansa. ang tungkulin na pagaaral maigi ang mga binibitiwan mga salita ng kandidato. halimbawa==kung gusto kung yumaman pa ang gagawin ko ay magbalik na lamang sa negosyo==ang tanong==papaano babalik ang isang hindi umaalis==halimbawa==ako’y nanggaling sa mahirap==at sino ang hindi nagmula sa mahirap.

noong ako’y bata pa wala pang SMOKEY MOUNTAIN, wala pang dagat ng basura. ang basura ay hinahanap pa sa mga bahay-bahay. dala ng kapabayaan sa pagkilatis ng mga kandidato, nagkaroon tayo ng dagat ng basura.

sa maraming resulta ng kapabayaan , ang karapatan ibinigay sa ating ng ating SALIGANG BATAS ay unti unti nananakaw hanggang umabot tayo sa situasyong nais ng alisan pati ang magulang na hindi nakatapos ng kolehiyo ay nais pang alisan ng karapatan ng mga taong naturingan matalino ngunit bobo sa paggalang sa nakakatanda.

ang nangyayari ngayon ay bunga ng katungkulan na pinabayaan ng mga representante O congressman na ating pinili upang ipaabot sa bulwagan ng kongresso ang mga hinaing at pangangailan ng kanilang distrito. higit nilang binigyan ng pansin ang partidong kinabibilangan.
nasaan ang sinabi ni late president Manuel Quezon==my loyalty to my party ends where my loyalty to my people begins.

ngayon , nasaan ang iyong loyalty? nasa kandidato O nasa pagkakataon mabigyan ng magandang pagasa ang ating mga kapos sa buhay, pagaralan mong mabuti ang iyong karapatan ang gampanan ng maayos ang iyong tungkulin.

maraming salamat sa pagkakataon nailabas ko ang hinanakit ng aking kabataan na ninakawan ng mas magandang bukas…………………………………….

Monday, October 5, 2009

Tunay sa damdamin

B-Babae sa barangay bulaklak na mahinhin
A-Ang mga lalaki sa iyo palaging nakatingin
U-Unang tibok ng puso sa damdamin nagbitin
T-Tanging mithiin bituin kang nais sungkitin
I-Isang pangarap paghandaan upang kamtin
S-Sumikap sa buhay nararapat laging gawin
T-Tiyaga at pagimpok ang kailangan kamtin
A-Aayos ang lahat dahil tunay sa damdamin

Sunday, June 14, 2009

Kailangan ko ikaw [ acrostics ]

K-ailangan balikan ang panahon huli tayong magusap

A-no at biglang ikaw sa aking ay naging napakailap

I-yan pagtatampo sa pagsasama ay ulan walang ulap

L-along magkalayo mga pusong maligayang nangangarap

A-ng mga pangarap na umpisa palamang hinahagilap

N-ais mong tapusin ang magandang simula ito’y masaklap

G-uguho ang palasyong kubo ng wala sa aking hinagap

A-ng panghinaan ng sidhi ang mga damdamin yumayakap

N-a ang timbulan sa isa at isa ay hindi matutuklap

K-ausapin ako ng aking malaman gawang kamalian

O-o kamalia’y tanggapin ngunit nais ko tong malaman

I-law kang mawawala at buhay koy masadlak sa karimlan

K-aya aking pagibig aking mahal akoy iyong balikan

A-yaw kong mawala ka sa aking buhay magpakailan man

W-alang katulad ang pagmamahal na sa iyo inilaan

Wednesday, June 3, 2009

investing money

taking lesson 4 invest in….like buying shoes

the action invest as i understand that there will always be a return in the form of profits

the example presented is clearly and is clarified as pure expence. there is no return of profit and in due time every amount will be consumed. the product is consummable items.

buy the cheap shoes and invest the rest ot the money to earn more money to be able to buy a better shoes and still have your money continously growing in your livelihood endeavors.

about money

money is an instrument that you can earn by using your physical bodies inherent capabilities. at times your body is called a money making machine. a reason why you have to pratect your body from viruses and bacterias and others that might inflict harm to your body

having money as an instrument you can use it to buy goods and services that you need and like.

you can earn money by selling your goods and sevices

on how you manage your money will show the difference between a beggar and a vendor.

but always remember that having lots of money or non of it does not make your soul poor or rich. it is on how you use the money that will define the difference.

the economy of the spirit gets the priority

isang katanungan

oh juan kailan ka ba isinilang isang katanungan
ng ang islas filipinas ay natagpuan ni magellan
noon taon 1521 ay hindi ka pa isinisilang juan.
ang iyong mga ninuno ay may sariling katauhan
at angking kultura na lubos iginagalang. ng tanan
mga taong sa mga karatig isla pawang naninirahan

mayroon kang mga ninunong sa dayuhan ay sumalubong
at tinanggap pakipagkaibigan. Dala nilay mga regalong
handog bilang katunayan sa sinabing layon kapayapaan.
subalit ito'y isang panlilinlang na iyong natuklasan.

Ito’y napatunayan tampok ni lapu-lapu sa islang mactan
siya'y tumanggi sa alok ni magellan na pakipagkaibigan.
itoy nagresulta sa digmaan, at napatay nga si magellan
at sa daigdig ng mga mangangamkam sa kanilang mga talaan
si magellan ay naitala napatay sa dalampasigan ng mactan

at dumating naman itong si villalobos at pinangalanan
ang mga isla na “islas filipinas” wala pa rin si juan
ng dumating si miguel lopez de legaspi'y kanyang sinimulan
kamkamin ang buong kapuluan kasama na ang iyong kalayaan
wala pa rin si juan at kung kailan siya isilang hindi alam.

mahigit na 250 taon ang lumipas sa talaan kasaysayan
unti unti ng naramdaman ang pagdating pagsilang ni juan
marami ng nagaaklas sa pangaabuso ng mga prayleng gahaman
unti unti may mga sumisigaw na ang hinihingi ay kalayaan
mga sakop ng islas filipinas ngayo'y filipino ang katawagan
at isinilang si juan na ang hangarin ay kamtin ang kalayaan
ang el filibusterismo at noli me tangere ay kumalat sa lipunan
mga lihim na paggalaw ng maraming damdamin naging api-apihan
si bonifacio’t mga kasamahan sa balintawak sigaw ay kalayaan
si juan ay bagong silang na nasyon wala pang sariling bayan.

june 12 1898 sa kawit cavite iwinagayway ang bandila ng kalayaan
ang bansang pilipinas ay ipinanganak sa gitna ng himagsikan
at ngayon nga juan pangalagaan mo ang iyong bansa at katauhan.

let us start

let us now start uplifting juan. juan whose rule was not fully recognize. lets look back to the history of another juan.

history will show to us that recognition was not bestowed to our muslim brothers the due recognition due to our muslim brothers in mindanao. the different tribes of muslim in mindanao fought the foreign invaders and was never been subdued, and yet was not represented in the flag
as recognition to their heroic resistance to invaders.

here comes an opportunity to give the long delayed appreciation and recognition
for the muslims different tribe resisting foreign invaders.

a ninth ray to the flag of our country, the philippine. this is only one step in making
the culture and character of juan to a new level of dignity that we can be proud of.

there are many steps to be taken and step by step we will succeed.

juan is the issue

the issue is we are looking for juan……….

i’ll follow the change of name as it is being raise agains juan. this will entail so many complications that will result to dismemberment of the republic. so its a very dangerous idea to change juan to rizal. juan is for everybody, for the muslim, the catholics, all christians, for all the tribes, but rizal is not.

why must juan be put down by the very person it symbolizes. all time is given to filipinos to uplift juan to a higher degree
of culture and character. election is fast approaching again. its one of the big oppurtunities for us to uplift juan. let us put juan in malacanan who will guide the country to a new height of respect and not of shame as being experience now.

let us choose juan who can transform juan who are in the mountain with guns
to lay down their firearms and help in the nation building. let us choose juan for malacanan, a president juan who can rally the business communities to forgo momentarilytheir keen desire for profits and focus their effort in creating productive employment for the less fortunate juan. let us choose juan who can’t be blinded by the glittering rewards of corruption and let us make juan responsible and accountable for the misdeeds done. if not then, then another AM SORRY must be expected.

going back to the issue of looking for juan. shall you put down juan or start now uplifting juan towards to our dreams that we ca be proud of

juan==symbol for filipinos

juan will always be the name symbol for filipinos, so what if it is a spanish name

jose rizal will always be a hero to filipinos
it doesn’t matter that he has a spanish name

juan is you, juan is us, we are juan, we are filipinos. we evolve from the begining. read our history and trace back the events,the tortous events that influence the juan we are today. we don’t have to blame the past. we have to learn from the experience and prepare ourselves to transform juan to a character and culture
that we aspire in our dreams.

let us make our dreams a reality. let us start from ourselves. from our own soroundings, our home. next then the composition of the political elected member of the goverment. choose them wisely and if we fail to do it then progress will be delayed again for juan

let us transform juan in the hills with guns
let us make juan in malacanan responsible
let us try to create jobs opportunities for juan. our land is limited but the rich can and has to create profitable jobs for our fellow juans. they must not resist or fail because that is their responsibilities in our society

let us teach our juan…sons and daughter..be responsible and answerable for their mistakes and yet always extending our arms to assist them on their pursuit of success

its not easy to transform juan but it can be done.

looking for juan

you are looking for juan, but juan is everywhere. you can see juan at malacanang. you can see him in the mountains with guns. you can see him on everybarrio, on every streets and yet you can’t see juan because you don’t want to face reality. it is in facing reality that you can see that juan is everywhere.

once we stop putting down juan and accep his predicament, it is only then that we can truly transform the kind of juan we want to be. it is not easy but it can be done. the juan of your dreams that you want to put in a pedestal and say this is juan this is the real pilipino .

but first recognize juan as he is the we can move forward faster

Friday, May 22, 2009

Bakit kailangan [acrostics]

B-uhay maraming katanungan, dapat bigyan ng kasagutan

A-alamin hanggang kanya ngang maunawaan ng lubusan

K-ailangan sa paglakbay at landasin mga sangang daan

I-tong iyong natutuhan ay hindi dapat kakalimutan

T-alos na ang mga kaalaman ay ilaw na makapitan




K-aya huwag aksayahin bigay na mga pagkakataon

A-laga ang pakikinig sa mga abot payong pabaon

I-lagay sa yong isipan kung nais sa hirap makaahon

L-ayuan ang barkadang mga sandali’y laging tinatapon

A-yusin ang buhay upang ang anak ay hindi maging ampon

N-ais magandang bukas kaya paglaanan mo ng panahon

G-abi gabi’y magmuni’t mangarap at huwag basta tatalon

A-ng mga tungkulin mo’y iyong gampanan ng hindi mabunton

N-a dapat gawin mahusay upang pagunlad ng sarili’y ayon

Monday, May 18, 2009

May bukas ang pulubi

Kanyang gulanit na saplot
Sa katawan isinuot
Tagpi’y tadtad abot abot
Ang manggas kulang talulot
May bulsa nga pero buslot

Ang pantalon, kulay pula
Nawalang damit ni santa
Baywang may taling kadena
Maigsi kabilang paa
May punit tuhod pababa

Mata’y malungkot malamlam
Ngiwing baba parang nakulam
Ang titig nang pamaalam
Bukal nang awa nakamtan
Lapad na bakal inabutan

Sa bangketa sumalampak
Bigla bunghalit nang iyak
Sa tindi nang lakas nagulat
mga naglalakad tingin lahat
kalansing nang bakal mabigat

sumasayaw
umiindak
kanyang pinulot
iipunin kalansing

Sunday, May 17, 2009

I love you [acrostics]

I-nstantly when I saw you my blood pressure rises


L-ingering pictures of your face occupies my mind

O-ver the counter I always wacth you walking by

V-iewing you makes makes my heart beat faster

E-nticed by your charm yet I will try to forget you



Y-ou are the love I must set aside and forever forget

O-nly you had made me feel like this for the second time

U-nless I become free then I will search for you my love

Saturday, May 16, 2009

Ako na isang halaman [acrostic]

A-ng sinag ng araw na ang kabuoan ko’y walang sawang binibilaran

K-ailangan ko sa aking buhay bigay niyang kasiglahan kalakasan

O-ras ay bakit kay higsi hindi matugunan ng sapat na kailangan



N-ais ko man laging magtampisaw sa mga silahis niyang binibigay

A-y hindi ko nagagawa sa dahilang ang ulap na itim ay nagbantay



I-yang ulap naman ang siyang nagsasabing magpalamig paminsan minsan

S-iguradong papatak ang ulan na sa buhay koy kailangan din naman

A-raw ang nagbibigay ng init sa katawan kong giniginaw minsanan

N-agpasalamat sa sikat ng araw dahil makatrabaho ako maghapunan

G-ayun din sa ulan na pumawi sa uhaw lalo na kung maalinsangan



H-alik ng ulan at samyo ng araw buhay ko’y puno sa kaligayahan

A-yaw ng aking ugat ang panay ulan alipunga akoy tutubuan

L-along ayaw ko sa gabi’y umaaraw dahil maluto aking katawan

A-nhin ang labis at anhin ang kulang kung makasama sa kinabukasan

M-aganda iyong tamang tama lang sa araw araw na pangangailangan

A-ng tao’y matutuwa sa gandang taglay nakamit totoong kalusugan

N-akita sa katawan ang dami ng aanihin pagdating ng gapasan

Friday, May 15, 2009

Araw ng mga ina [acrostic]

A-ng buhay ng isang ina ay laging walang katulad

R-adar ang damdamin palaging nakahanda ang palad

A-nak at asawa siya ang tanglaw saan man padpad

W-agas na pagmamahal bukal sa puso lumiliyad



N-ilaan ang buhay sa mga tungkulin gagampanan

G-amit ay pagibig hindi kukupas kailanpaman


M-agmahal laging turo sa anak na pinagaaral

G-abi’y madalas minsan ginagawan araw sa mahal

A-ng lahat gagawin lalaban para kang isang kawal



I-law kang tanglaw para sa kinabukasan kong banal

N-anay ikaw’y nagsikap pagibig gamit na balabal

A-nak akong di makalimot sa bigay nyong pagmahal

Wednesday, May 13, 2009

Sino?

hanggang kailan ka magbantulot makatang may takot
na ipahayag ang damdamin sadyang masalimuot
sa mga nangyayari sa iyong bayan di malimot

gawa ng politikong tumulong ang balak manukot
personal na gawain sa kapwa gusto'y watawat
siyang magbayad sa kanyang ginawang bantayog

padyak ng mga paa sa tricycle umarangkada
anak hindi kita pababayaan lalaban kata
kaygandang panoorin sa teevee at sa pelikula

aking nalaman makati pala'y ubod palang yaman
sa pamumuno ay may secreto na dapat malaman
upang itong ating baya'y mahango sa kahirapan

hanggang kailan maging alipin duling na lipunan
katanungan na ayaw kong dito bilangong manahan
kailangan pagkilos ng makamit ang kalayaan

ang kalayaan mithi ay hindi madaling makamtan
dahil ikaw ay madaling makalimot sa nakaraan
magkati man iyong ulo kapag di pinagaralan
hindi malaman kung sino dapat mamuno sa bayan

Monday, May 11, 2009

Sampal Ok [acrostics]

S-arap ng pagkaing pagkaluto'y tunay na sinigang
A-sim ay tama sa isdang ayukin sinampalukan
M-araming sabaw na hihigupin aking kakantahan
P-aboritong ulam sa tanghalian o sa hapunan
A-king pagdalaw ay sadyang hindi makakalimitan
L-agay na luya ay sapat, kaya ako pinagpawisan

O-ps hinay lang paghigop ng sabaw kahit nasarapan
K-umain tayong puno ng kasiyahan ating tiyan

=======================================
sir ezzard....tata raul sa sunod na pagdalaw
sana ibang putaye naman........salamat

Sunday, May 10, 2009

Alaala ng fiesta-isang sampal

Biglaan namilaylay sa aking labi ang isang ngiti ng kaligayahan sa kadahilanan kidlat na nagbalik sa gunita ang isang malakas na sampal na dumapo sa aking mukha, isang lumipas na pangyayari noong ako’y bata pa sa bayan kong pinanggalingan. Katulad ng ibang bayan sa nueva ecija ang bayan ng bongabon ay hindi naiiba. Taon taon na ipinagdiriwang ang pistang bayan.Sa araw ng kapistahan maraming tahanan ang mayhanda para sa mga panauhin darating at mga kamaganak sa ibang bayan na tinataon ang kapiestahan sa pagdalaw sa mga kamaganak dito sa Bongabon.

Matagal pa bago dumating ang pista ng bayan ay unti unti makikita sa plasa Ang mga iba ibang palarong mapaglilibangan. Mayroon circus at zarzuela. May tsubibo na hindi ako nakasakay magpahanga sa ngayon at ang ferries wheel na kay raming sumasakay ay hindi rin ako nagkalakas ng loob na sumakay samantalang ang aking mga kababata ay nagkakatuwaan sa pagsakay. Ako naman ay patingin tingin lang naman. Okey lang. Maglilibot ako sa peryahan at dito ako’y nalilibang ng husto kahit wala akong pera , busog naman ang aking damdamin sa dami ng aking mga nakita. Uwi ako ng bahay at bukas naman uli ako mamasyal.

Gustong gusto kong manood ng sarzuela. Maaga akong dumating upang sa unahan ako makaupo. Sabik ako sa paghihintay sa pagsimula ng palabas. Kapag tumugtog na ang trumpeta kasabay ng drum at iba pang instrumente bilang hudyat na magsisimula na ang palabas na drama. Mayroon silang pambungad na palabas na punong puno ng mga katatawanan. Sumasabay ako sa lakas ng tawanan ha ha ha ha ha. Hindi magtagal ay susunod na ang dramang palabas. Muli ito ay sasabayan ng tugtog, tutog na siyang lalong nagpaigting sa damdamin ng mga manonood hanggang ang luha na pinipigilan ay tuluyan makawala sa luklukan gilid ng mata na tinakpan ng palad at palihim na pinupunasan ang luha ng paunti unting dumadaloy na sana ay walang makakita.

Mayroon banda, na galing sa Gapan, sa Peniaranda o kayay sa General Tinio na lahat ay mga bayan ng Nueve E cija. Ang mga bandang ito ay tumutugtog habang nagmamartsa palibot sa sentro ng poblacion. Ako’y tuwang tuwa sumusunod kasama ang maraming batang nagkakatuwaan/ naakit ako ng magagangdang kulay na uniporme ng mga tumutugtog. Napakaganda sa aking paningin ang sabay sabay na ginagawa sa pagmartsa habang tumutugtog palibot sa bayan. Dala ng kabataan ay naroon ang pagnanais ko na magkasalubong ang dalawang banda. A ko naman ay nagtataka na sa dalas ng kanilang pag-ikot ay bakit hindi sila magkasalubong.

Ang hindi ko makalimutan sa lahat ay ang lyong oryam-oryam o kayay itong bito-bito na ang ginagamit ay tatlong dice na inaalog-alog sa isang sisidlan. Kung ikaw ang naglalaro ay pipili ka ng iyong tatayaan mula uno hanggang sais. Paborito kong panoorin ang larong ito tuwing pista sa aming bayan. Ingit na ingit ako sa mga nanalo, kita ko ang katuwaan sa kanilang mukha. Ang aking ama ay kararating lamang mula sa Mindanao. Umuwi ako ng bahay at humingi ako ng pera. Madali siyang hingan dahil bagong dating, binigyan niya ako ng beinte sentimos na tuwang tuwa kong tinangap. Nilaro laro ko ang beinte sentimos sa aking mga palad at ng dumating ang gabi ay nagpunta ako sa laruan ng bito-bito na malapit lang sa aming bahay. Ha ha ha ha, nananalo ako at patuloy ang paglalaro ko hanggang sa bandang huli ay naubos ang aking pera. Hindi maitago sa aking mukha ang kalungkutan. Wala na ang pera ko, ang aking beinte sentimos ay natalo sa larong bito-bito. Umalis ako na malungkot at walang kibo. Umistambay muna ako sa aming kapitbahay upang magrelax muna. Hindi ko nakitang dumating ang aking ama at ako ay nilapitan sabay tanong, nasaan ang pera mo, natalo sa bito-bito? Hindi ako nakapagsinungaling at nakasagot ako ng opo. Kasabay sa pagtatapos ng sagot kong opo ang isang sampal at hindi lang basta sampal, isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahiha ako sa aming kapit bahay at umuwi ako ng tahimik at walang kibo. Napapangiti ako sa tuwing ito’y aking naaalaala he he he he he he……..Kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari ay

Matagal ng hindi ako nakakapasyal sa Bongabon. Kumusta na kaya ang batang babae na hindi ko makalimutan. Balita ko ay isa siyang principal sa Bongabon elementary school. Ang pista ng bayan sa Bongabon ay hindi ko makakalimutan. Sa 2010 ay posibling magbakasyon ako sa bongabon para makapamiyesta.