Sunday, June 14, 2009

Kailangan ko ikaw [ acrostics ]

K-ailangan balikan ang panahon huli tayong magusap

A-no at biglang ikaw sa aking ay naging napakailap

I-yan pagtatampo sa pagsasama ay ulan walang ulap

L-along magkalayo mga pusong maligayang nangangarap

A-ng mga pangarap na umpisa palamang hinahagilap

N-ais mong tapusin ang magandang simula ito’y masaklap

G-uguho ang palasyong kubo ng wala sa aking hinagap

A-ng panghinaan ng sidhi ang mga damdamin yumayakap

N-a ang timbulan sa isa at isa ay hindi matutuklap

K-ausapin ako ng aking malaman gawang kamalian

O-o kamalia’y tanggapin ngunit nais ko tong malaman

I-law kang mawawala at buhay koy masadlak sa karimlan

K-aya aking pagibig aking mahal akoy iyong balikan

A-yaw kong mawala ka sa aking buhay magpakailan man

W-alang katulad ang pagmamahal na sa iyo inilaan

1 comment:

  1. napahinto ako; binasa ko ang tulang ito; naala-ala ko ang aking ama sa istilo ng pagsusulat ng tula;

    tunay na ang "PAG-IBIG" ay mahiwaga at walang kapantay na sumasalamin sa DALISAY PO NINYONG PAG-KATAO! Salamat na muli MangRey, at napabisita ako sa site na ito-- MABUHAY PO kayo!

    --PenPen
    http://www.youtube.com/watch?v=Gog_OYbfRcw

    ReplyDelete