Wednesday, March 11, 2009

nagtapos ako

1957 nagtapos ako ng elementarya sa bongabon central elementary school. validictorian ang batang babae na tumawag nang aking pansin sa murang kaisdipan. may tuwa akong nararamdaman kapag siya ay pinagmamasdan. ang pagkabwisit ay hindi maiwasan dahil sa inaakala kong kanyang kayabangan. ang batang babaing ito ay hindi ko nakausap kahit na kami ay magkaeskwela. pagkatapos ng klase sa hapon ay kailangan umuwi na sa bahay, na siyang utos at kabilibilinan ni inang.

ang aking ama ay isang karpintero at ang aking ina ay isang maybahay lamang. ang mga magulang ko ay may tindahan sa pamilihan bayan ng bongabon. kung paano sila nagkaroon nang puwesto sa pamilihan bayan ay nalaman ko sa pamamagitan nang tahimik na pakikinig sa kuwento nang aking mga magulang kapag mayroon silang panauhin o bisita.

mayroon daw silang sampong sakong palay, kung saan ito galing ay hindi binanggit--siguro bigay nang aming lolo. .pinag-usapan nila ng akin ina kung ano ang marapat gawin. sabi nang aking ama, ang sampong sako nang palay pagdating nang disyembre ay siguradong ubos sa pagkain, ano kaya't magtinda ka sa palengke, igawa kita ng lamesa na paglagyan mo ng iyong mga paninda. sa madaling salita, nagtinda si ina sa palengke at si ama ay nagpatuloy sa kanyang gawain bilang karpintero. sa suweldo ni ama kukunin ang lahat nang pangangailangan. ang kita nang maliit na tindahan ay hindi gagalawin kahit na isang sentimo. hindi naiwasan na si ama ay pasumandaling naiwanan bantay nang mga paninda. dumating si ina at kita niya ang kamay ni ama na padukot nang kendi si ama sa garapon na kaagad naman binawalan ni ina. walang bawas ang kita at paninda ni ina. dumating ang disyembre ang lamesa ni ina ay naging dalawa at dumami pa mga paninda. patuloy itong lumaki at kinilala na isang nagtatagumpay na negosyante sa pamilihan bayan nang bongabon. si ama ay tumigil na sa pagkakarpintero'

1956 pumunta si ama sa mindanao upang alamin kung ano mayroon sa mindanao. 1958 lahat nang paninda kasama ang mga puwesto ay ibenenta at ang pamilya ay tumulak sa mindanao para sa isang pangarap na inaasam. buwan ng abril nang dumating sa dadiangas at tumuloy sa marbel buwan ng mayo. nagtayo nang isang panaderya ang aking ama.

ako ay katorse anyos second year high school sa pasukan nang taon 1958. na enroll ako sa notre dame of marbel boys department na ngayon ay isa nang universidad. nagtapos ako nang high school taon 1961. napunta ako nang maynila at kumuha nang kursong business administration na siyang gusto nang aking mga magulang. salungat sa nais kong kunin na agriculture.

sa universidad, may isa akong professor na nagbigay nang isang pahayag katanungan. " kayo ay narito sa maynila upang mag-aral. tinutustusan kayo ng inyong mga magulang upang makatapos sa inyong pag-aaral. kaya ba nyong mag-graduate sa kursong iyong kinuha? kung hindi nyo kaya, ano ang ginagawa nyo dito sa maynila? inaaksaya nyo ang inyong panahon, ang panahon nang inyong magulang. ang pera na kanilang ipinapadala ay mawalan nang saysay dahil hindi nyo maiuuwi ang diplomang inaasam nang inyong magulang. ang masabi ko sa inyo at bilang payo. hindi mo kayang tapusin ang iyong pag-aaral umuwi ka sa inyo at umpisahan mo nang kumita nang pera at mag-ipon upang nang sa ganoon ang mga naiwanan dito ay magkaroon nang trabahong mapapasukan pag sila ay nakatapos na. mauna na kayo sa pagkita nang pera kaya umuwi na kayo at magsimula"

not the exact words but the essence is living in my memory. i buy books i need, the titles are: small business; advertising and economics. sakay ng eroplano umuwi ako sa marbel at tumulong sa panaderya nang aking magulang. ako'y muling bumalik sa maynila upang mag-aral nang makabagong sestema nang paggawa nang mga masasarap na uri nang tinapay. ito ay natapos ko at ito ang nagpabago nang takbo nang aking buhay. napakahalaga na mayroon kang pinag-aralan at ito ay nagamit mo sa iyong buhay upang makapaglingkod ka sa iyong bayan.

ang tungkol sa batang babae ay sa susunod na kabanata

No comments:

Post a Comment