Sunday, May 10, 2009

Alaala ng fiesta-isang sampal

Biglaan namilaylay sa aking labi ang isang ngiti ng kaligayahan sa kadahilanan kidlat na nagbalik sa gunita ang isang malakas na sampal na dumapo sa aking mukha, isang lumipas na pangyayari noong ako’y bata pa sa bayan kong pinanggalingan. Katulad ng ibang bayan sa nueva ecija ang bayan ng bongabon ay hindi naiiba. Taon taon na ipinagdiriwang ang pistang bayan.Sa araw ng kapistahan maraming tahanan ang mayhanda para sa mga panauhin darating at mga kamaganak sa ibang bayan na tinataon ang kapiestahan sa pagdalaw sa mga kamaganak dito sa Bongabon.

Matagal pa bago dumating ang pista ng bayan ay unti unti makikita sa plasa Ang mga iba ibang palarong mapaglilibangan. Mayroon circus at zarzuela. May tsubibo na hindi ako nakasakay magpahanga sa ngayon at ang ferries wheel na kay raming sumasakay ay hindi rin ako nagkalakas ng loob na sumakay samantalang ang aking mga kababata ay nagkakatuwaan sa pagsakay. Ako naman ay patingin tingin lang naman. Okey lang. Maglilibot ako sa peryahan at dito ako’y nalilibang ng husto kahit wala akong pera , busog naman ang aking damdamin sa dami ng aking mga nakita. Uwi ako ng bahay at bukas naman uli ako mamasyal.

Gustong gusto kong manood ng sarzuela. Maaga akong dumating upang sa unahan ako makaupo. Sabik ako sa paghihintay sa pagsimula ng palabas. Kapag tumugtog na ang trumpeta kasabay ng drum at iba pang instrumente bilang hudyat na magsisimula na ang palabas na drama. Mayroon silang pambungad na palabas na punong puno ng mga katatawanan. Sumasabay ako sa lakas ng tawanan ha ha ha ha ha. Hindi magtagal ay susunod na ang dramang palabas. Muli ito ay sasabayan ng tugtog, tutog na siyang lalong nagpaigting sa damdamin ng mga manonood hanggang ang luha na pinipigilan ay tuluyan makawala sa luklukan gilid ng mata na tinakpan ng palad at palihim na pinupunasan ang luha ng paunti unting dumadaloy na sana ay walang makakita.

Mayroon banda, na galing sa Gapan, sa Peniaranda o kayay sa General Tinio na lahat ay mga bayan ng Nueve E cija. Ang mga bandang ito ay tumutugtog habang nagmamartsa palibot sa sentro ng poblacion. Ako’y tuwang tuwa sumusunod kasama ang maraming batang nagkakatuwaan/ naakit ako ng magagangdang kulay na uniporme ng mga tumutugtog. Napakaganda sa aking paningin ang sabay sabay na ginagawa sa pagmartsa habang tumutugtog palibot sa bayan. Dala ng kabataan ay naroon ang pagnanais ko na magkasalubong ang dalawang banda. A ko naman ay nagtataka na sa dalas ng kanilang pag-ikot ay bakit hindi sila magkasalubong.

Ang hindi ko makalimutan sa lahat ay ang lyong oryam-oryam o kayay itong bito-bito na ang ginagamit ay tatlong dice na inaalog-alog sa isang sisidlan. Kung ikaw ang naglalaro ay pipili ka ng iyong tatayaan mula uno hanggang sais. Paborito kong panoorin ang larong ito tuwing pista sa aming bayan. Ingit na ingit ako sa mga nanalo, kita ko ang katuwaan sa kanilang mukha. Ang aking ama ay kararating lamang mula sa Mindanao. Umuwi ako ng bahay at humingi ako ng pera. Madali siyang hingan dahil bagong dating, binigyan niya ako ng beinte sentimos na tuwang tuwa kong tinangap. Nilaro laro ko ang beinte sentimos sa aking mga palad at ng dumating ang gabi ay nagpunta ako sa laruan ng bito-bito na malapit lang sa aming bahay. Ha ha ha ha, nananalo ako at patuloy ang paglalaro ko hanggang sa bandang huli ay naubos ang aking pera. Hindi maitago sa aking mukha ang kalungkutan. Wala na ang pera ko, ang aking beinte sentimos ay natalo sa larong bito-bito. Umalis ako na malungkot at walang kibo. Umistambay muna ako sa aming kapitbahay upang magrelax muna. Hindi ko nakitang dumating ang aking ama at ako ay nilapitan sabay tanong, nasaan ang pera mo, natalo sa bito-bito? Hindi ako nakapagsinungaling at nakasagot ako ng opo. Kasabay sa pagtatapos ng sagot kong opo ang isang sampal at hindi lang basta sampal, isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Napahiha ako sa aming kapit bahay at umuwi ako ng tahimik at walang kibo. Napapangiti ako sa tuwing ito’y aking naaalaala he he he he he he……..Kung ano pa ang mga sumunod na pangyayari ay

Matagal ng hindi ako nakakapasyal sa Bongabon. Kumusta na kaya ang batang babae na hindi ko makalimutan. Balita ko ay isa siyang principal sa Bongabon elementary school. Ang pista ng bayan sa Bongabon ay hindi ko makakalimutan. Sa 2010 ay posibling magbakasyon ako sa bongabon para makapamiyesta.

1 comment: