Wednesday, April 15, 2009

Ganap

lagaslas ng mga patak, ng luhang dumadaloy
sa humpak na pisngi, dito laging tumutuloy
karagatan pighati, walang humpay isinaboy
pagasa,palaging buhay, hindi kayang itaboy.

bawat pagkabigo, hinahamon lagi, tagumpay
hindi panghinaan nang loob, hindi manglupaypay
saan man makarating, pakpak laging ikakampay
lakad patuloy, tatawirin walang hangang tulay

ang init at ulan, pinapalo katawan pagal
hindi titigil, harangan man ng rehas na bakal
at kahit maubos ang sapatos, paa'y kumapal
ang masusunod, puso at damdamin nagmamahal

sa paglubog ng araw, sa pagsikat ng umaga
katawan, muli't muling babangon hahanapin ka
ang tanging baon, puso, pusong puno ng pagasa
hindi maglalaon, damdam ko matagpuan kana

tamis ng tagumpay, akin nang malalasap
walang sama ng loob, sa dinanas na pahirap
ikaw nakitang nakangiti, sa tagal ng hanap
sa langit lang pala kita, matatagpuan ganap.

No comments:

Post a Comment