Monday, April 13, 2009

Sapat na iyong dibdib

mata ko’y naging malikot, ng dumating ka.
kambal na bundok mayon, ang humalina.
binalutan ng damit, bagay sa isang reyna.
daan sa kaharian, makikita sa bukana.

sa paglakad, para itong umiindayog.
alon sa dagat, sa balsa’y yumugyog.
nais abutin, haplusin papayang hinog.
himlayan ng sangol, kanyang pagtulog.

iyan iyong dibdib, ang nagbigay buhay.
sa naghingalong pagasa, puno ng lumbay.
iyong puso mapili, nais abutin ng kamay.
mga ngiti kahali-halina, tayo’y umimbay.

ngayon gabi, sa bundok ako manahan.
ang tanglaw, bituin at liwanag ng buwan.
sa awit at kasiyahan, kiliti naramdaman.
sa malusog mong dibdib, tungo sa batisan.

sa batis ikaw magingat, dahil ito’y madulas.
ingatan mahulog, sa pampang na tumutulas.
mga damo sa paligid, hawiin walang kupas.
umaalon ang dibdib, sa lindol kumukumpas.

No comments:

Post a Comment